C19

561 67 29
                                    






"You kissed me without my permission?"rinig kong tanong niya.


Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya dahil hindi ko siya nilingon.Abala ako sa pagbukas ng gate dahil hindi ko matulak.Lintek!


"Kuya!Pakibuksan ang gate!" sigaw ko sabay hampas ng gate para marinig nila.

"Teka!!!" sigaw pabalik ni kuya.


Lumingon ako sa likod.Nakaupo pa rin siya sa motorsiklo niya  habang ang isang isang paa ay nakaapak sa lupa para suportahan ang motor.Doble ang kaba ko sa titig niya.Hinanap ko sa mga mata niya kung anong naging reaksyon niya pero wala akong makita.

Bakit ang hirap hulaan kung anong nararamdaman niya?

Rinig ko ang pagbukas ng gate kaya napalingon ako kay kuya.



"At bakit hindi ka pa nakauwi bago dumilim?!" sermon ni kuya.

"Alam mo namang may pinapagawa sa'min ni Reese,Kuya..."

Napakamot na lang siya ng buhok at pinapasok ako.

"Oh,choy!Nandito ka pala." gulat na si kuya.

"Hinatid ko lang,Kuya Quintin." aniya.

Lumingon si Kuya sa'kin.

"Buti na lang hinatid ka ni choy!"




Ngumuso lang ako at pasimpleng lumingon kay Skie.Nakatingin siya kay kuya pero sa oras na binaling niya ang titig sa'kin ay agad akong umiwas.Iniwan ko ang dalawa sa labas dahil nauna na'kong pumasok sa bahay.Dumiretso na'ko sa kwarto para magbihis.

This is the first time I stole a kiss on him kaya medyo naiilang ako baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.Is he mad?Did he liked it?Kung hindi siya magagalit na nakawan ko siya ng halik sa pisngi ay baka makakasanayan ko na.



Sa makalawang araw ay may reporting kami at oral recitation kaya halos busy at nag re-review ang mga kaklase ko kahit umagang-umaga pa lang.



"Kailan natin sisimulan ang research natin?" tanong ni Kevin.Tumingala ako sa aking harapan.

"Naumpisahan ko na ang research natin.Sa makalawang araw na lang natin 'yan pag-usapan kasama si Fel," sagot ko.

Tumango-tango naman siya.Akala ko'y aalis siya pero umupo sa tabing upuan ko.Kumubot ang noo ko at sinita siya.


"Umupo ka sa upuan mo,Kevin.Upuan niyan ni Reese!"

Hindi siya nakinig.

"Kailan mo ba'ko balak sagutin,Sav?"tanong niya na ikinainis ko.


Tinaasan ko siya ng kilay "For your information,hindi kita kailan mang pinayagang maging manliligaw ko."

Sumimangot siya.

"Edi kailan ako maging manliligaw mo?"tanong niya ulit.

Inis ko siyang tiningnan.


"Hindi.Wala kang pag-asa." sabi ko para matigil na siya.Sa wakas ay tumigil siya sa pagtatanong.


"Look,Sav.Seryoso naman ako sa'yo e.Sasayangin ko ba ang oras ko kung hindi ako seryoso sa'yo?"

"I already like someone,Kev.Kaya please,iba na lang.Huwag ako." prangka na kung prangka.Masasayang lang ang oras niya sa akin.Wala rin naman siyang mapapala dahil wala akong gusto sa kaniya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora