C40

623 43 15
                                    





Pinabayaan ko ang lalaking minahal ko dahil gusto ko munang maging makasarili sa ngayon.Masakit ang pinagdadaanan ko lalo na't presko pa ang nangyaring pagkamatay ng buong pamilya ko.Gusto ko munang magpakalayo sa kaniya dahil nasasaktan ako sa mga nakita ko.

Nung nakita kong nasa itaas niya si Ayi,ang pagtatraydor pinagkakatiwalaan kong kaibigan,lahat-lahat ng nangyari...it still haunts me everytime.

Hindi ko alam kung paano ulit sisimulan ang buhay ko nang wala ang pamilyang pinanghahawakan ko kapag may problema.Nakakapag-panibago lang dahil wala na sila sa tabi kong gumagabay sa akin.Kapag naiisip kong wala na talaga sila ay bigla-bigla na lang ako umiiyak.

Pinatahan ko muli ang aking sarili.Uminom ako ng tubig at huminga ng malalim.

Sumapit na ang pasko nang hindi kasama ang pamilya at ang lalaking minahal ko.Tuwing may nakikita akong kompletong pamilya na nagtatawaan ay nanlulumo ako.

Ganiyan kami dati e.Nagtatawanan,nagbabangayan,nagbibiruan at kumakain ng matiwasay.Naalala ko pa nung sumayaw si kuya ng star ng pasko habang nakasuot ng pulang skirt at croptop.Grabe talaga ang tawanan namin noon,'yung tipong wala ka talagang pino-problema.

Nakuhanan ko nga iyon ng video e.Kahit kailan ay hindi ko binura dahil espesyal iyon.Hinanap ko ang video at pinindot ang play button.Nang napanood ko ay walang sawa akong umiyak ng tahimik.



"MERRY CHRISTMAS!!!" maligayang bati ni Mama sabay sandamakmak akong hinalikan sa mukha.Hinalikan rin niya ng paulit-ulit si Cass na buhat ko.

Hindi maayos ang pagkaka-video dahil may malikot ang kamay ko.


"E ako ma?Wala man lang akong christmas kisses?Luh, favoritism!Hmp." Ngumuso si kuya na parang bata.

Humalakhak naman si Mama.

"Binata ka na,Quintin!Ang dapat sa iyo ay hindi na hinahalikan." biro ni mama kaya mas lalong napasimangot si kuya.

"Biro lang!Ang dapat kasi sa iyo ay binibigyan ng pera..." Nakangising si Mama at binigyan niya si kuya ng tatlong libo.

Namilog naman ang bibig ni kuya at kinuha ang regalo niya ngayong pasko!Wow,pera!

Gumiling naman si kuya na parang timang dahil nakatanggap siya ng tatlong libo!Hinagkan ni mama si kuya sa pisngi.

"Pero may kapalit iyan!Kailangan mong sumayaw,Quintin!Alam kong may tinatago kang talent sa pagsasayaw kaya chance mo na." ani Mama kaya malakas ang tawa ko.

Sa pagkakaalam ko ay mukhang robot sumayaw si kuya.

Tinawanan ko lang si Kuya.Iniharap ko kay Papa ang cellphone habang naghahanda siya ng maraming pagkain sa mesa.


"Hi guys,welcome to my vlog!Eto nga pala ang lechon na may apple sa bibig.'Tsaka adobo...macaroni, spaghetti at iba pa!" nakangising sabi ko.

Kinuha ko ang mansanas sa bibig ng lechon at kinagat iyon.

"Hala ma oh!Si bunso kinain 'yung mansanas!!!" sumbong ni kuya.Inirapan ko lang siya at inasar.
Nginuso ko si mama sa likuran ni kuya dahil may dala na itong pulang skirt at croptop.Planado na kasi naming pasayawin si kuya sa pasko!

Nagprotesta pa si kuya pero wala na siyang nagawa.Isinuot niya na iyon.


"Go kuya!go kuya!" sigaw ko sabay wagayway sa sparkle na nasa aking kamay.

"Ma,gay po ba si kuya?"rinig kong tanong ni Cass sa gilid ko kaya natawa ako.

"Ma!Binababoy ninyo ako!" protesta ni kuya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now