C28

593 61 26
                                    

Dedicatedto:
@AllenaCasio4
@jachel_07
@Vivini_Girl
@Ryezime
@BeaNicoleBlancaflor3




"Bali-balita raw na bumalik 'yung ex ni Sky?" rinig ko ang pag-uusap ng mga kaklase ko na nakapag-antig ng aking tenga.

Nasa likod sila nag-uusap.Nakikinig lang ako ng maigi.


"Oo.May nakakita raw kasi sa kaniya na nag enroll ulit."


"Dapat hindi na siya bumalik matapos siyang makipag-break.Ang taas-taas ng paningin niya sa sarili.Imagine?Isang Elperes?Hiniwalayan niya?How pathetic,"

Bumalik na pala siya.I didn't know that she have the urge to comeback here.Hindi ko rin alam pero kinikabahan ako.I mean,maayos na kami ni Skie baka guluhin niya ulit kami.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Reese na nagliligpit ng kaniyang mga gamit.Tumayo ako sa upuan at nilapitan siya.



"Reese?Hi!" masiglang sabi ko at kumaway ng kaunti.Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago siya bumalik sa paglilipit.

Napawi ang ngiti ko.

Ilang araw na since umalis si Papa sa bahay namin.Ilang araw na ding ganito si Reese sa'kin.Galit siya sa'kin.Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali.Siguro nagalit siya dahil nung pinagtanggol niya ako kay Lorena ay nasaksak siya.

Dumaloy ang guilt sa'kin.Kasalanan ko lahat.Kasalanan ko kaya siya napahamak.

Nilagay niya ang libro kaniyang bag at isinabit iyon.Aaktong aalis na sana pero hinarangan ko siya.




"Reese?Galit ka pa ba rin sa'kin?H-hindi ko sinasadyang mapahamak ka.Hindi ko kasi alam na ganoon ang gagawin ni Lorena..."
Puno ng pagmamakaawa ang mukha ko.

Hindi ako sanay na ganito siya.Parati siyang maingay pero ngayon hindi na.I miss her.




"Uuwi na ako," malamig niyang usal bago niya ako iniwang nakatulala.

Tumakbo ako at sinundan siya.Mabilis kasi ang paglalakad niya.



"Reese naman...pwede naman nating itong pag-usapan.Huwag namang ganito..."
Pakiusap ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot at inis na inis ang kaniyang mukha.

"Please,Reese." pakiusap ko at doon na siya huminto sabay lingon sa'kin.


"Pwede ba?Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya huwag kang makulit." Mariin niyang sabi na ikinabigla ko.

Naguguluhan ako dahil parang iba ng tao ang kaharap ko ngayon.Magkaiba siya sa Reese na kilala ko.

"Tungkol ba 'to kay Lorena? Reese hindi ko naman—"


Napasinghap ako dahil bigla niya akong sinampal.Tumagilid ako at hindi nakagalaw.Kumawala ang luha ko.I cannot believe this.


"Hoy!Anong ginawa mo, Reese?!" Biglaang sumulpot si Kev sabay haplos sa pisngi ko.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Hindi ko na magawang mainis kay Kevin dahil dinadamdam ko lang 'yung sakit.

"Ano bang problema mo?!" Sarkastikong tanong ni Kevin.

Nanginginig ang labi ni Reese habang nakatingin kay Kevin.

"Bakit?Sino ka ba?" sarkastikong tanong ni Reese.

"Ako lang naman ang lalaking may gusto sa kaniya.Kaibigan ka niya 'diba?Bakit mo siya sinampal?"


"Kasi galit ako kaya huwag kang makialam!" sigaw ni Reese bago siya tuluyang umalis.



Yielding the Sky(Elperes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon