C25

553 60 24
                                    


Dedicatedto:
@RheaJaneGodes0
@AnnaMarie641401
@EmyAnnGrace
@MisisSaboo




Pumasok sa isipan kong gumawa ng cheese sticks.Alam kong simple pero buong puso ko itong ginawa.Naalala ko kasi nung nag bo-bonding kami ng pamilya ko sa bahay at cheese sticks ang ginawa namin ni Papa.Naalala ko rin kasi yung panahong pumunta ako sa bahay nila Skie.Nag movie marathon pa kami noon kaya naisipan kong gumawa ng cheese sticks instead of popcorns nung time na iyon.

Mas lalo pa akong ginahahan habang nagluluto dahil alam kong nanonood si Skie.Iba lang talaga ang epekto ng atmospera sa'kin kapag nandiyan siya sa paligid ko.

"5 minutes left!"

Sampong piraso ang nagawa kong cheese sticks.Naglagay din ako ng cheese powder at cheese sauce sa taas ng cheese sticks since iyon ang available para sa dips na binigay sa'min.

Kalaunan ay nagsalita muli ang judge.

"Times up!"

Itinaas ulit namin ang aming mga kamay.May nag instruct ulit sa'min na itabi sa aming dessert ang appetizer at tinakpan iyon.

"For the last stage of this cook-off,you will do your main dish.You can use any of your ingredients.After that,you all will have only 10 minutes break bago mag judge at mag decide ang mga judges kung sino ang panalo."

Nagsisigawan at nagsisipol ang mga nanonood sa mga contestants.Sinisigaw rin nila kung saan sila pumapanig.

"Go Sav!Go Sav!"

"Kaya mo 'yan Anne!"

"Go Lileth!"

"Go Sav!Wuhoo!Ex ko 'yan HAHAHA!"

Iyon ang mga naririnig ko pero ang nakakuha lang ng atensyon ko ay sa isang lalaki tahimik lang na nanonood.When our eyes met,I knew his presence was a great solace of me.I felt such a sense of relief whenever I saw him.

"You only have 30 minutes to finish your main dish.Timer...starts...now!"

I took a deep breath.Sumeryoso na ang mukhang kong nagtadtad ng mga kailangan sa lulutuin ko.Hinati ko na rin ang karne.

Sinigang na baboy ang main dish ko.Yeah I know it's so common and plain pero ito talaga ang gusto kong lutuin.It does not matter to me on how unique the food was,ang importante sa'kin ay kung ano ang putaheng naisip ko galing sa puso.Kaya nga ang tema ng event na ito ay 'cook-off with the heart'.Ito rin kasi ang kauna-unahang tinuro ng Papa ko kaya napakaespesyal nito sa'kin.

"Time's up!Tapos man o hindi ay wala ng magluluto.Prepare your three different dishes in you table pero kailangan niyo munang takpan dahil may break time pa kayo."

Sinunod namin ang instructions.Matapos ay nilapitan ko si Reese.

"Buti na tapos na!" Humalakhak ako.

"Kaya nga e.Hay!Muntik akong hindi nakatapos sa dessert.Buti na lang na manage ko yung time." natatawa niyang sabi.

"Pupunta muna ako sa cr ah?Kanina pa kasi ako naiihi."

Tumango naman siya.

"Sige.Magbibihis muna rin ako ng bago dahilnadumihan ng kaunti yung damit ko kahit may apron!"

Natawa ako at tumango.Nagtungo na ako papuntang rest room.Pagkatapos kong gumamit ng cubicle ay inayos ko muna ang sarili ko.Tinanggal ko na rin ang apron tutal judgement na lang ng judges ang mangyayari.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now