C13

581 66 25
                                    




Dedicatedto:
@IridessaFawn
@nightmoodonlife
@JojilynGelisanga
@Enelle_kaye09
@Devilize101








Seeing someone happy makes my heart melt.Ang gaan sa pakiramdam kapag nakatulong ka.But sometimes,in order for them to feel happy you have to sacrifice your own happiness.

Nakalutang lang sa ere ang utak ko.Presko pa rin ang kilig,saya at kaba dahil sa nangyari kahapon.

Sino pa namang hindi magugulat sa sinabi ni Skie kahapon?

"Mga bata pa kayo pero ganiyan na ang ugali niyo.Wala kayong mapapala diyan.At ayaw kong may nambu-bully dito lalo na't inaway ang kapatid ng girlfriend ko,okay?"


"Bunso?Bakit baliktad kang nagwawalis?"
Pambubungad ni kuya na kakalabas lang sa kaniyang kwarto.

Dahil sa kalutangan ko ay 'di ko na alam baliktad pala.Naabutan ko sila Mama bago sila umalis.Binilin niya sa'kin na maglinis dahil maraming alikabok sa sahig.

"Malala ka na,bunso!"

Napanguso ako at inirapan si kuya.

"May iniisip lang!"

"Tss,baka boyfriend mo na naman 'yan."
Umiling si Kuya bago naglakad pababa ng hagdan.

"Hindi ah!" sigaw ko.

Natapos na ako sa paglilinis kaya naligo na ako at nagbihis.Bumaba na rin ako para kumain.May nag door bell kaya aaktong tatayo na sana ako pero naunahan na ako ni kuya.


"Ako na.Baka dumating na ang in-order ko." Sabi pa niya bago naglakad.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Cass dahil nanghihingi siya.

"Totoo po bang sinabi ni kuya Sky kahapon? Boyfriend mo na po—"

"Hindi!"

"E sabi niya—"

"Huwag kang maniwala dun!Hindi totoo yung narinig mo kahapon.Sinabi lang niya yun para hindi ka na awayin ng mga bullies kasi natatakot sila kay kuya Sky mo,"
Paliwanag ko na pinaniwalaan naman ni Cass.

"Sayang, ate.Bagay pa naman kayo..."

Bigla akong namula sa sinabi ng kapatid ko.Kumunot ang noo ko dahil lumakas ang boses ni kuya sa labas.

Huwag niyang sabihin na sinisigawan niya ang naghatid ng order niya?


"Ano? Bakit ka nanditong lalaki ka?Sino ang pakay mo dito,ha?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa malakas na boses ni kuya.Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa gate.



Nakita ko si Kevin at si kuyang galit na galit ang mukha.Napalunok ako.Akala ko biro lang ni Kevin na pupuntahan niya ako rito para mag practice sa mapeh!

Agad kong sinuot ang tsinelas ko at lumabas para lapitan sila.

"Hi Sav!" Si Kevin.

Hindi ko siya pinansin dahil nilingon ko si Kuya.

"Boyprend mo?"

Agad naman akong umiling.

"Hindi kuya.Kapartner ko lang po 'yan sa performance task sa school." Depensa ko.

Bumuntong hinga naman si Kuya.

"Bakit hindi si choy ang ka partner mo?"

"Bunot-bunot kasi ang ginawa namin kuya.Kaya random ang makakasama namin.Tsaka iba ang kapartner ni Skie." Sagot ko na pinaniwalaan niya agad.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now