C18

485 55 15
                                    








Umagang-umaga akong pumasok sa school.Iyon din kasi ang sinabi ni Ms.Castro sa'min para daw malaman yung punishments namin.Pinagalitan ako ni Papa't Mama kahapon dahil daw sa kagagawan ko.I explained what really happened kaya pinatawad agad ako nila.

Kapag nakita ko talaga yung Frank na yun!Tinulak kasi ako!Kainis!

Sabay kami ni Reese papuntang office.Sinabi agad ng guro kung anong ipapagawa nila.Separate kami ni Reese kaya nairita ako.


"Kainis!Bakit ang daming pinapagawa sa'kin?!" Padabog akong naglakad papuntang storage room kung saan nakalagay ang mop at balde para mamaya.

Tinawanan lang ako ni Reese.Hinampas ko siya.Pasalamat siya't sa playground at likod lang siya ng building maglilinis!E ako?Sa corridor na maraming tao tapos sa cr ng babae pati raw lalake!Pati sa gym at iba pa!

Lintik na.Aanhin ko na lang na ma suspend for 1 week.



"Huwag mo na 'yang problemahin!Mamaya pa naman tayo maglilinis e.Problemahin mo na natin kung paano natin papatayin si Frank." aniya.

Napaisip naman ako.Tama!May malaking atraso ang Frank na 'yon!

"Holdapin natin papuntang abandonadong bahay tapos torture natin."

Nagkakaintindihan naman kami ni Reese sa naisip matapos ay nagtawanan.
Natapos na ang lahat ng klase para ngayong araw kaya dumiretso na ako para kunin ang mop at baldeng may tubig.Si Reese naman ay kumuha ng walis para sa gagawin niya.

Nagsimula ana akong maglinis sa corridor.Binasa ko ang mop tapos pinahid sa sahig ng paulit-ulit para mawala ang dumi.Umalingawngaw ang malalakas na boses nang nagsilabasan ang mga estudyanteng nasa classroom nila.May ibang nagbubulungang nakatingin sa'kin.Inirapan ko lang sila.



"Pakilakasan na lang po yung boses niyo.Hindi ko naman rinig e." Sarkastikong sabi ko sa babaeng panay bulong sa katabi niya.

May narinig pa'kong tawanan.



Niyuko ko na lang ulit ang ulo ko para mag-mop ulit.Natigilan ako dahil may mga sapatos na umapak sa nilinis ko.I closed my eyes to calm down.

"May naglilinis dito oh!Respeto naman!"



"Janitor ka na pala?" May humalakhak kaya tumingala ako.Nakita ko ulit ang pagmumukha ni Angelo kasama ang isang babaeng girlfriend niya yata.

"Oo.Gusto mo linisin ko rin 'yang madumi mong mukha?Libre lang." tinarayan ko siya.

Napawi ang baduy na ngisi niya.Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako kay Angelo.Nandidiri nga ako kung bakit ko pa'to naging ex.


"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang boyfriend ko, Janaveigh!" pagtatanggol ng aso,este girlfriend niya.

"Ako pa nga yung nag-offer para malinis ang pagmumukha ng boyfriend mo e.Ayaw niyo?Sige," pang-aasar ko.

Parang toro kung magalit ang babae.

"Galit ka lang kasi nakipag-break ako sa'yo noon!" sigaw ni Angelo.

Halos matawa ako sa sinabi niya.For god's sake!Nakipag-break nga ako sa kaniya sa mismong harapan ni kuya!Storymaker.

"Ex mo siya?" tanong ng aso.

"Oo." confident pa ang hayop.

"Mas kumapal pala ang mukha mo ngayon Angelo,'no?Balita ko hindi ka pa tuli since Grade 7?" inosenteng tanong ko.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now