C22

516 51 16
                                    




Buong gabi ko iniisip ang nangyari sa first date namin ni Skie.Malawak ang ngiti kong nakayakap sa unan ko.This is what I really want.Ang maranasan siya.Even if it's just a deal,masaya pa rin ako.Pero hindi ko matakasan ang pagkalungkot at panghihinayang sa isang tanong na nasa isipan ko.

Mafa-fall out of love kaya ako sa sumusunod na araw na magkasama kami?

Natatakot ako na baka isang araw ay mawawala na ang pagkagusto ko sa kaniya at natatakot rin ako na baka hindi matutupad ang nasabi ko kay Skie na baka kapag naranasan ko na siya,mawawala na yung nararamdaman ko.

And of course,kailangan kong tuparin na pagkatapos ng deal na 'to,wala na akong nararamdaman.Sumang-ayon lang naman kasi siya dahil ayaw niya yatang panay habol ako sa kaniya.Naiinis siya at naiirita dahil sa pangungulit ko.

Kumalat ang hapdi at kirot sa dibdib ko.What would I expect?Iyon naman ang totoo.

Pinikit ko na ang aking nga mata at pinilit na matulog kahit na marami random akong naiisip.Hindi naman ako nabigo dahil ilang minuto ay nakatulog na'ko.



Kinusot-kusot ko muna ang aking isang mata bago namulat dahil may kumatok sa pintuan.

"Bunso!!!Gising na!" sigaw ni kuya sa pintuan at kumatok-katok pa.

"Opo kuya..." tinatamad kong sagot.

Bumaling ako sa alarm clock na nasa ding-ding.6:30 AM pa naman ah?So may 30 minutes pa ako.Usually mga 7 ako naghahanda para pumasok sa unibersidad.

"Kuya naman e...maaga pa naman!" inis kong sigaw at dumapa ulit sa kama.Pinikit ko ulit ang mata ko dahil sa antok.

"Nasa baba si choy.Hinihintay ka!" rinig kong sabi ni kuya.

"Okay,"  tamad kong sabi at pilit na inintindi ang sinabi ni kuya.

Isang sigundo lang ay napabalikwas ako sa pagkahiga nang nag-sink ang sinabi niya.

Bakit nandito si Skie?Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa kaalamang nandito siya.Agad akong tumakbo papuntang banyo at naligo.Dali-dali akong naligo dahil excited akong makita siya.



"Hinihintay daw ako?Wala naman akong sinabing puntahan niya ako ah?!" sabi ko.Para akong baliw dito dahil kinakausap ko ang aking sarili.




Matapos kong maligo ay agaran akong nagbihis bago lumabas sa kwarto para bumaba.Binasa ko ng perfume ang damit ko habang naglalakad sa hagdanan pababa.Inayos ko rin ng kaunti ang takas kong buhok.

Natigilan ako nang makita si Skie na nakaupo sa sala.Nakapikit lang siya habang nakikinig ng music sa earphone niya.Kumakanta siya ng mahina pero dahil tahimik ang paligid ay narinig ko ang maganda niyang boses.Sumilaw ang pamilyar na ngiti sa'king labi.

Sarap sa tenga.


Hindi muna ako kumibo para hindi maabala at naputol ang kinakanta niya.Napakurap-kurap ako nang maisipang kunan siya ng litrato.Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at palihim siyang pinic-turan.Nakangisi ako kung gaano siya ka perpekto sa larawan kahit stolen pictures lang.


I click the botton once again.Nakapikit pa rin siya doon habang kumakanta ng mahina.

Isang picture ko pa sa kanya ulit ay nakahawak siya sa earphones sa tenga niya.


Doon na ako natigilan sa kakapapindot nang makita ko sa screen na nakatingin na siya sa gawi ko.Malakas ang kabog ng dibdib ko.Agad kong tinago ang cellphone sa likuran at ipit ang labing nakatingin sa kaniya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now