C14

517 58 18
                                    


Dedicatedto:
@jachel_07 @Eliza5342 @shaynemartillano @RaineLynnZapanta6 @AshleyNebreja3 @BlackBibiQ @Ellaiza_378 @mycrystalgem @messedvil


Nang lumingon siya sa'kin ay natuklasan ko agad ang malungkot niyang mukha.Hindi ko alam na sinundan pala niya si Skie papuntang kusina kaya narinig niya ang pinag-usapan namin.


I didn't heard any words of her.Nagkatitigan lang kami.Napasinghap ako dahil may kumawalang luha sa isang mata niya at  naglakad papalayo.




"Ayi...Ayi!"

Tumakbo siya papalabas ng bahay pero sinundan ko pa rin siya.

"Ayi naman...mag-usap tayo!" Pagmamakaawa ko.

Natigilan ako dahil huminto siya pero nakatalikod sa'kin.She slowly turned to look at me.The redness of her eyes became visible.Kumawala ulit ang luha niya.


"Sa'yo pala siya nagkagusto?" halo-halo ang kaniyang emosyon.

Napalunok ako.Hindi ako nakasagot.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Bakit tinago mo pa?ha?" Galit niyang sabi.

"Ayi,ayaw ko lang naman na masaktan ka."
May bahid na inis ang tono ko.

"E dapat sinabi mo nalang na ikaw pala yung gusto!Gusto mo lang ba akong paasahin sa kaniya!You've pretend to help me kahit alam mong—"



"Ano bang gusto mong gawin ko?Hindi ka naman ganito dati ah?Ang bait mo sa'kin noon pero nung nagkandarapa ka kay Skie ay parang nanggagamit ka lang sa akin!"



"Ano ang tingin mo sa'kin?Mang-gagamit?Sumangayon ka ngang tulungan ako kaya hindi mang-gagamit ang tawag dun!"


"Bakit lumalapit ka lang sa'kin kung may kailangan ka?Ayi,pinatawad kita sa pinakita mong ugali!At isa pa,hindi ko naman kasalanang gustuhin ako ng taong gusto mo!" singhal ko.





Hindi ko maiwasang magalit dahil ganitong pagtrato niya sa'kin.Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya simula nung nagka close kami.I just can't believe how she treated me like this.

"Ganiyan ka na ba ka selfish?Pwede mo namang—"

"Edi sa'yo na!Sa'yo na si Skie tutal 'yan naman ang gusto mo 'diba?Ang mapasayo siya." Sarkastiko kong sabi.

Nagulat siya sa sinabi ko.Ano? Magugulat pa ba siya?Dapat malaki nga ang ngiti niya e tutal desperada naman siya.




"Sinungaling ka.You like him too!Kung wala ka talaga gusto sa kaniya,sabihin mo mismo sa harapan ko.Sabihin mong wala kang gusto,sabihin mong boring siya."
Panghahamon niya.

I chuckled.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya.Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa inis.For the second time,pinakita niya ang totoong ugali niya.


"Iyan ba ang gusto mong marinig para matigil ka na Ayi?Hindi ko siya gusto!Hindi ko siya type.Boring siya!Hindi siya challenging!Oh ayan!Masaya ka na?Masaya ka na ba Ayi?Ha?" Sunod-sunod kong saad.

Abot-abot ang hininga ko matapos kong sabihin iyon.

If that what she wanted to hear, then fine!Nasabi ko na!




Kita ko ang maliit niyang ngisi.Kumunot ang noo ko dahil hindi na siya nakatingin nakatingin sa'kin.Nakatingin na siya sa likuran ko.

Bigla akong nanlamig at natakot.Unti-unti akong lumingon sa likuran at doon ko nakita si Skie.Ni walang bakas na gulat o ano sa mukha niya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now