C44

714 49 27
                                    

Warning:Slight Matured Content.Read at your own risk.

----------------------------

Naghalo-halo ang emosyon ko pero mas nanaig ang saya.The negative thoughts and misunderstanding vanished when he explained his side.May kung anong paru-paro sa aking tyan nang mas nilapit pa niya ang kaniyang mukha.

"Ang sabi ko mahal kita.Ano ang sasabihin mo?" mahinang tanong niya.

Nakailang lunok na ako.Shit.Mas gumwapo siya sa malapitan!

"H-hindi ko alam..." tanging nasagot ko dahil sa kaba.

Unti-unting bumagsak ang kaniyang paningin sa aking labi kaya mas lalong kumalabog ang aking puso.

"Hindi mo alam?" bulong niya.Nakatingin pa rin sa'king labi.

Wala sa sarili akong umiling.

Naestatwa at nanlaki ang aking mga mata nang ginawaran niya ako ng halik!Dahan-dahan niyang hinawakan ang likod ng aking leeg.

Parang sasabog na ako sa ginawa niya!Ngayon ko lang ulit naramdaman ang halik niya and it feels so...good.

Unti-unti akong bumigay dahil nalalasing na ako sa halik niya.Gumalaw rin ang labi ko at naramdaman ko ang munting ngisi niya kaya agad ko siyang tinulak sa dibdib pero walang saysay iyon.

May narinig akong yapak sa hagdanan kaya napatingin ako roon at laking gulat ko na bumaba na si Tita Fel kasama si Brayleigh!

"Leigh apo!Sinabi ko naman sa'yong huwag muna tayong bumaba.Ang tigas talaga ng ulo mo—" Naestatwa si Tita Fel nang nakita niya kaming naghahalikan at unti-unting kumurba ang kaniyang labi at ngumiti.

Malakas kong itinulak si Skie at tumayo ng matuwid.Tumikhim ako at bumaling kay Skie na nakangisi matapos ay kay Brayleigh.

Nakangangang nakangiti si Brayleigh habang nakatingin sa'ming dalawa ng ama niya.Nakita niya! Shit.


Malakas siyang suminghap at tumili.
"MMY?WHY DID YOU KISS THAT GUY?!"

Wala akong maisagot sa tanong ng anak ko.Ayaw ko rin namang magsinungaling.Bumaling ako kay Skie na seryosong nakatingin kay Brayleigh.

"You should tell the truth." mahinang wika niya nang hindi nakatingin sa akin dahil nakatingin pa rin siya kay Brayleigh na naghihintay sa isasagot ko.

What does he mean?Na sasabihin ko ang totoong siya ang ama?

Sinabi ko sa kaniyang may asawa na ako at hindi siya ang ama.Akala ko naniwala siya doon o sadyang halata lang akong nagsinungaling.

Napalunok ako at bumaling kay Tita na nasa kalahati pa ng hagdanan nakatayo.Tumango siya sa akin na para bang magsalita na ako kay Brayleigh.

Lumapit ako kay Brayleigh na inosenteng nakatingin sa akin.Lumuhod ako para pantayan siya.She's growing and I don't want her to drowned by my lies.I want her to know the truth this time.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.


"He..." I trailed off. "He's your father,baby..."
Mahinang sagot ko pero sapat na iyon para marinig niya.

Namilog ang mata niya at napahawak sa kaniyang bibig.Her reaction was priceless.
Naging emosyonal ako sa nangyayari ngayon kaya nangilid ang luha ko.

Ramdam ko ring lumapit si Skie at pinantayan din ang anak namin.Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari.Hindi ko rin maipapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon dahil pakiramdam ko ay buo na ang pamilya namin.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang