C21

577 69 25
                                    

Dedicatedto:
@Ellaiza_378 @MaxeneSantayana @EmyAnnGrace




May mga taong nagsisigawan dahil sa takot.Pero ako,chill chill lang kasi madalas naman kasi akong manood ng mga horror movies.Kumuha ulit ako ng popcorn at nginuya iyon.




"Oh my gosh!!!" Biglang sigaw ng babae matapos ay diniin ang mukha sa dibdib ni Skie.Laglag ang panga kong nakatingin sa babaeng nasa gilid ni Skie!


Hindi pa nga masyadong nakakatakot dahil wala pa yung aswang sa palabas tapos nagkukunwari siyang takot para lang maka chansing kay Skie?



"Ehem!" kunwaring tikhim ko at tinaasan ng kilay ang babae.Agad naman niya iyong mapansin kaya bumalik ulit siya sa pagkasandal niya sa kaniyang upuan.

Alam niya namang nandito ako 'diba?Ha!Malandi lang talaga.Padabog akong sumandal dahil sa pagkairita.Kumawala ako ng buntong hininga at nagkibit balikat.




"Awuwuwooo..." isang nakakatakot na tahol sa palabas.Nasa gubat kasi ang mga karakter tapos biglang sumulpot ang nakakatakot na nilalang.



"Gago,ang pangit ng aswang."

"Shhh!Mas pangit ka pa sa aswang hahaha!"


"Ahhhh!Ayaw ko na!"

"Omg!"



Sigawan ng mga nanonood.



"Ahhh!Katakot!" sigaw ulit ng babaeng nasa gilid ni Skie.Ngayon ay yumakap na talaga siya kay Skie.

Kumulo agad ang dugo ko.Gusto kong hablutin ang buhok ng babae.

"Babe!" tawag ko kay Skie na seryosong nanonood.Hindi man lang siya natinag sa yakap ng babae?

"Hmm?" aniya pero hindi pa rin nakatingin sa'kin.Inis na inis akong nakatingin sa kaniya.


"Baby!" tumaas ang boses ko kaya napalingon siya sa'kin.Tiningnan ko ang isang kamay ng babaeng nakayakap sa kaniya.


Umiwas ako ng tingin at padabog ulit na umupo.

Bahala siya! Parang gusto niya naman ang yakap ng babae 'diba?Wala siyang pakealam na nagseselos ako dahil wala naman talagang namamagitan sa'min.



"Uhm...Miss,pwede pakialis ng kamay mo?Nagseselos kasi itong baby ko e." rinig kong sabi niya sa babae.




Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.May kung anong kiliti sa tiyan ko dahil sa narinig ko.Tumingin ako sa babae na tuwid ng nakaupo.Mukha siyang tinakluban ng langit at lupa.



HA.HA.HA!Iyan ang bagay sa'yo.Alam mo namang may girlfriend ang chinansingan niya tapos lumalandi pa rin.Napasulyap rin ang babae sa'kin na nakabusangot.



Binigyan ko siya ng matagumpay na ngiti.

Rinig ko ang halakhak ni Skie kaya napatingin ako sa kaniya.Inirapan ko lang siya at nanood ulit.Habang tahimik lang akong nakatingin sa screen ay may tumikhim sa isang gilid ko.



"Nakakatakot 'no?" aniya ng hindi ko kilalang lalaki.

Tumango-tango naman ako.


"Oo nga..."

"Mukhang hindi ka naman natatakot?" natatawang tanong ng lalaki.Sinulyapan ko siya.


Tumawa ako ng mapakla.Hindi ko na lang sinungitan baka magmukha akong maldita.



Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now