C6

642 71 19
                                    

Dedicatedto:
@Eliza5342
@MisisSaboo
@Ann_jay99








Sa makalawang araw ay nagisip-isip na ako kung ano ang ireregalo kay Kuya Qui sa nalalapit niyang birthday.Should I gave him a hoodie? Tutal iyon naman ang nakahiligan niyang suotin.Magpapasabay na lang ako kay Mama bumili sa Mall kapag 'di siya busy bukas...o ngayon.



"Ma busy ka today?" Tanong ko kay Mama.



"Bakit anak?"

"Manghihingi po sana ako ng pera para pambili ng hoodie kay kuya tsaka magpapasama po sana ako sa inyo bumili..."

"I'm busy today pero mapipigilan ko ba ang maganda kong anak?Isisingit ko sa hapon ang request mo,okay?"
Malambing niyang sabi.





I sweetly smiled and hugged my mother.She is the best mother!binibigyan talaga niya ako ng oras kapag nanghihingi ako ng pabor.

"Thanks,Ma!"



Biglang bumukas ang pintuan galing sa kwarto ng mga magulang ko.Nakita ko si Kuya Qui na sumilip sa'min habang hawak pa ang doorknob.Nanlaki ang mga mata ko baka narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Mama.I just want my Kuya to be surprised on his 19th birthday.

"Kuya!" gulat kong tawag sabay kalas sa yakap kay Mama.




Nanliit naman ang mga mata niya at lumapit sa'min habang pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.



"Anong pinag-uusapan niyo?"
Nanghininalang si kuya,pabiro.

Agad naman akong tumingin kay mama at kumurap para ipahiwatig na huwag ipaalam kay Kuya.

"Nothing kuya.Huwag kang chismoso riyan," biro ko.

Ngumuso naman siya at tinaliman ako ng tingin bago tumingin kay Mama.




"Ma?may sinabi ba 'to sa'yo tungkol sa manliligaw o boyfriend na hindi ko nalalaman?"



Mahinang tumawa si Mama matapos ay umiling.Naaliw kay Kuya.

"Huwag ka masyadong mahigpit kay Sav,Qui.Mag g-grade 8 na iyan."

Nakapamaywang naman si kuya.Nakatingin na sa'kin.

"So tama nga ako?Bunso,may boyfriend ka na naman 'no?" Panghuhula niya,pakurba ang boses.

Agad naman akong umiling.I don't have a boyfriend pero manliligaw,meron!




"Is someone courting you bunso?" Tanong niya ulit.Napakagat naman ako ng labi.Hindi ako nakasagot dahil ayaw ko ng magsinungaling kay kuya baka mag-away na naman kami.


"Bunso..." Pagbabanta niya.



Sunod-sunod naman akong tumango bago ngumiti ng malapad.Nabigla siya at handang magsalita pero agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa'king kwarto.Humagikgik ako nang marinig ang pagtawag ni Kuya sa'kin na halatang sinusundan ako.I locked the door immediately when I arrive in my room.

Minsan nakakatuwang inisin si kuya lalo na't sa usapang manliligaw ko.










Holiday ngayon kaya wala kaming klase.Hindi ko alam kung pupunta ba rito si Skie sa bahay namin pero sana nga ay pupunta siya lalo na't ngayon gagawa ng dessert si Papa Fernando para sa kaarawan ni kuya bukas.





"Princess,pakikuha ng bowl." Utos ni Papa sa'kin habang abala siya sa paggawa ng icing.I nodded immediately.Nakiusap kasi ako sa kaniya na tumulong at na bo-bored rin ako sa bahay.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now