C8

564 62 6
                                    







"Grabe!Muntik talaga akong mahimatay kanina!Tiningnan niya ako habang kumakanta siya!" Sigaw ni Ayi sa mismong pagmumukha ko.

Medyo may kaunti akong naramdamang pagdapo ng laway niya!Yuck!!!Eww!!!Kaya tinulak ko siya.


"Masyadong malapit!"


"Punta ulit ako sa inyo kapag weekends ah?"

Inirapan ko siya.

"Palagi naman."

Nilapitan ako ni Reese tapos tumingin kay Ayi.



"Hi,"

Nginitian lang ito ni Ayi.Hindi naman sila close kasi kapag kasama ko si Reese,hindi kasama si Ayi.Kapag kasama ko si Ayi,hindi kasama si Reese.



"Beh,may chika ako!Dali!"
Agad akong hinila ni Reese sa pagkaupo.Nilakihan niya ako ng mata dahil balak ko sanang umayaw.Pumunta kami sa labas ng room.

Hinarap ako ni Reese.

"Ano ba yun?"

Inirapan niya ako bago siya nagkibit balikat.Ang maldita talaga ng babaitang ito!



"Wala naman talaga akong chika e.Naiinis ako sa Ayi na 'yan." Sabi niya.Mukhang galit talaga sa pinsan ko.


"Huh?Bakit naman?"


Inirapan niya muli ako na parang ang tanga ko dahil hindi alam ang nangyayari.


"Wake up,Sav!!!" Sigaw niya at inuuga ang balikat ko.


"Huh?!Gising naman ako ah?Kanina pa ako bumangon!"

Inirapan niya ulit ako na parang na f-frustrate na sa'kin.Ano bang ibig sabihin niya?At bakit may galit siya kay Ayi?Hindi naman sila nag-away ah?Hay!Ewan ko dito kay Reese!


"Ginagamit ka lang niyan!"

"Panong gamit?"

Napakamot siya sa buhok at inirapan muli ako.


"Hindi mo ba napaghahalataan?Hindi ba nung kwinento mo sa'kin na parati na siyang pumupunta sa inyo?Pumunta lang siya kasi nandoon si Sky!Hindi para makipag-close sa'yo!"


"Sumang-ayon kasi ako sa kaniyang tulungan ko siya kay Skie e..."

Napanganga naman ang bibig ni Reese.


"Ano?!"
"Tinulungan mo naman?" Sarkastiko niya pag sabi.

Tumango ako.

"Hay nako,Sav!"

"Wala naman yatang problemang tulungan ko siya kay Skie 'diba?" Tanong ko.

Tinuro naman niya ako.Naiimagine ko siyang parang may light bulb sa utak niya.



" 'Yan!Hindi ka nga sure kung okay sa'yo e.At ang sagot niyan ay hindi mo talaga gustong tulungan siya!Napilitan ka lang.Tama ba ako?Diba?Diba?"
Desperadang tanong niya.

Tiningnan ko lang ang kamay ko.


Mukhang wala naman akong problema kasi wala akong gusto kay Skie?Nalilito talaga ako...


"Silent means yes!You like Sky!"

Agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Shhh!Baka may makarinig!Lagot ka talaga sa'kin!Kung ano-ano ang pinagsasabi mo.Hindi ah,"

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now