C32

629 55 57
                                    

Dedicatedto:
@Zeykisss

Matapos niya akong halikan sa noo ay yumuko siya para tingnan ako.Tinitigan ko rin siya.Nilagay niya sa likuran ng tenga ko ang kaunting hibla ng buhok sa'king mukha.

That gives me a tickle.

"I'm sorry." Ani Skie.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry sa'kin e wala naman yata siyang kasalanan?

"Sa alin?" tanong ko.

"Nakita mong hinalikan ako ni Ayi nung debut mo.I was planning to surprise you that time.May hinanda ako para sa'ting dalawa sa likuran ng bahay ninyo.Planado na ang lahat at hindi ko inaasahan ang paglapit niya.I'm really sorry..."

Tama nga ang hinala ko.May supresa siya para sa akin nung gabing 'yon.Ang saya-saya ko na sana yata kung hindi lang umepal ang pinsan ko.But that's alright!Nagkaayos na ulit kami ni Skie.

Humalakhak ako.
"Kaya pala na we-weirduhan ako sa kasamahan mo no'n."

Ngumisi siya at tumango.

Bumaba ang tingin ko sa cellophanes na dala-dala namin.Hinawakan ko iyon at ramdam kong mainit-init pa ang barbeques na binili namin kanina.Kumuha ako ng dalawang stick at nilahad iyon sa kaniya.

"Oh,kain muna tayo?Nagugutom na ako e."
Kinuha niya naman agad ito sa'kin.

"Masarap?" Tanong ko nang kinagat niya ang barbeque.Tumango naman siya habang ngumunguya.

"Yup.Taste good pero wala nang mas sasarap pa sa'yo." Ngisi niya na ikinabigla ko.

Parang uusok na ang aking pisngi sa pamumula dahil sa nasabi niya!God!This guy!Ginugulat ako!

Pati siya ay nagulat rin sa kaniyang sinabi.Tumikhim siya bago nagsalita ulit.

"I-I mean 'yung luto mo.Wala nang mas sasarap pa sa luto mo." Pambabawi niya at timikhim ulit.

Tumango-tango tango naman ako at pinakalma ang sarili dahil sa impact ng kaniyang nasabi!

"You want?" aya ko sabay lahad ng softdrink sa kaniya.

Kinuha niya ito at pinagmasdan ko lang siyang humigop ng kaunti sa straw.

Nakatitig lang ako sa kaniya.Gosh...hindi talaga ako makapaniwalang nabigay ko sa kaniya.Lasing ako nun pero alam kong nasa sarili pa ako.Pero hindi ko pinagsisihan iyon dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya.

Nakakunot ang noo niyang binalingan ako.Siguro naramdaman niyang titig na titig ako sa kaniya.

"Mas na a-attract ka pa yata sa'kin kesa sa dagat?Pogi ko 'no?" Nakangisi niyang sabi.

Ngumuso ako at humarap sa dagat.Katamtaman lang ang lakas ng alon at presko ang hangin.Hindi ko pinagsisihang dito kami tatambay sa date namin.Mas preferred ko pang dito kesa sa resto dahil maraming tao roon.

Pumikit ako habang nakangiti sabay bumuntong hininga.Grabe!Ang sarap a feeling!Ang presko ng hangin!Nakakagaan ng loob.

Napadilat ako dahil may narinig akong tunog sa camera.Nilingon ko si Skie na nakangisi habang nakaharap sa'kin ang cellphone niya.

"Kinukuhanan mo ba ako ng litrato?" Kunot-noong tanong ko.

He gave me a wider grin.
"Yup.Ang ganda ganda mong tingnan."

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya.Ang ganda ko daw!

"Hindi na ba ako gagalaw kasi maganda ako tingnan banda rito?" natatawang usal ko.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now