C26

503 51 20
                                    



Dedicatedto:
@chechelunes
@Pjaysealzia
@Eliza5342
@jellymaealgones12345
@cutiediepiegh




Nakatulala lang ako ng ilang sagundo habang binubuhat si Reese ng isang bodyguard.Nagkakagulo ang lahat dahil sa nangyari.Nakita kong kinuha ng isang guro ang kutsilyo na hawak-hawak ni Lorena baka makasakit pa ito.Nanginginig ang tuhod ko.

I wanted to hurt her so bad!Sobra-sobra ang ginagawa niya!

Kinalma ko na lang ang sarili ko dahil mas importante pa sa'kin ang kalagayan ngayon ni Reese.



"Paparating pa lang raw yung ambulansya,Ma'am!" sabi ng isang estudyante sa isang guro na nag a-assist sa bodyguard.

Napahilamos ako sa mukha dahil sa kaba.Hindi na rin ako makatiis na madala agad si Reese sa hospital!

Sa hindi kalayuan ay naaaninag ko na ang ilaw na kulay red at blue ng ambulansya.Maingat nilang nilagay sa kama si Reese papunta sa loob ng ambulansya.Aaktong susunod sana ako pero hinarangan ako ni Sir Lee.


"Hep!Bawal kayo lumabas!" sita niya.

"Pero Sir!Kaibigan ko po yun!Wala ring magababantay sa kaniya!" pagalit kong sabi at halos masigawan ko ang guro pero binabaan ko lang ang pasensya ko.

"May sumama ng guro sa ambulansya kaya pwede ka ng hindi sumunod." mariin niyang sabi sa'kin bago binalingan ang mga nagkakagulong estudyante sa likuran.

"All of you!Go to your class now!" sigaw niya.

Halos mapasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis.Gusto ko ring kalbuhin ang nasa harapan ko dahil hindi ako pinayagan!Ang nagawa ko lang ay ang pagmasdan ang ambulansyang papaalis na.

Napatadyak ako sa kinatatayuan ko dahil sa galit.This is all my fault!Sana hindi na lang kami sumali ni Reese,hindi sana mangyayari 'to.Naiiyak ako dahil naiimahe ko ang kawawa kong kaibigan.

"Lumpor!Bumalik ka na sa classroom ninyo!" sita ni Sir Lee sa'kin pero hindi ako nakinig.

Doon lang ako napatingala nang may humawak sa braso ko.Nakatayo si Skie ngayon sa harapan ko.

"Tara na..."

Umiling-iling ako.

"

Hindi ako pupunta sa loob.Gusto kong sundan sila sa hospital!"

Bumuntong hininga si Skie at mas hinigpitan pa ang pagkahawak niya sa braso ko.Nainis ako dahil hinila niya ako.

"Ayaw ko nga!Susundan ko sila!" pagmamatigas ko.

"Hindi pwede.Hindi tayo makakalabas."
kalamado niyang sabi.Binawi ko ang braso ko sa kaniya bago umiling.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala sa kaibigan ko?Skie!Nasaksak siya!Nasaksak!Hindi ko maiwasang hindi kumalma!"

Timingin siya sa ibang direksyon at binasa niya ang kaniyang labi bago niya ulit ako tingnan.

"Fine."



Hinayaan ko lang siyang hilahin ako sa kung saan.Doon na ako natahimik.Nang huminto na siya ay kaharap na namin ang motor niya.Sumakay siya sa motor niya bago kinuha ang susi sa bulsa.

"Sakay." utos niya sa'kin.

Sinunod ko ang sinabi niya.Ano ang gagawin niya?Tatakas kami gamit ang motor niya?E may bodyguard sa gate!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now