C46

902 65 37
                                    


Sky Elperes

--------------------------




"Ano pang hinihintay mo diyan,asungot?Baba ka na!" Supladong untag ng aking kakambal.Hindi pa kasi ako bumababa sa backseat at hinihintay niya pa akong bumaba bago siya lumabas.

Ngumuwi ako sa kaniya. "We're twins,Cloud.Kung asungot ako,asungot ka rin." pang-aasar ko at tuluyang bumaba sa kotse.

"Psh,we are not literally the same,asshole.Mas pogi pa ako sa'yo." mayabang niyang sabi kaya pinabayaan ko na lang.Ganiyan talaga siya,hindi nagpapatalo at masyadong suplado.Kahit sa iba pa naming kakilala ay masungit din.

Our parents called us to hurry up.May outing kasi kami ngayon sa garden restaurant.Naglakad na ako papalapit sa magulang namin nang binangga ni Cloud ang balikat ko at inunahan akong maglakad.

I laughed sarcastically.Nakita kong papasok na ang pamilya ko sa restaurant kaya nagmadali akong naglakad. My mom and dad ordered some foods.Right at that moment,someone caught my attention.My sight was pinned to a girl who has a straight and shiny hair.I witness how she lowkey licked her pinkish lips and flips her hair gradually.

Nakita kong may kasama siyang isang babae at lalaki na sa pagkakaalam ko ay magulang niya.May kasama rin siyang mas mataas at matanda pa sa kaniya at mas bata pa sa kaniya and I bet it's her older brother and little sister.May kalayuan ang pagitan ng kanilang lamesa sa amin.


I observed her gestures.Nakikipag-usap siya sa kaniyang kuya.I witness how she laughed at her brother.It was soft and angelic pero dahil mukha siyang maldita ay nagmumukha siyang anghel na medyo demonyo.

According to my observations,mukha siyang ka-edad ko at ang ganda-ganda niya.Siguro ay grade 3 rin siya?Nagulat ako nang naglandas ang aming mata pero segundo lang iyon dahil umiwas agad ako ng tingin.


"Gloria Kara Lumpor?" namamanghang si mommy.Kumunot ang noo ko dahil nag-uusap ang magulang ng babae at ang mommy ko.

Did they know each other?

"Anak mo 'to?Ang ga-gwapo ah..." Sabi ng kakilala ni momny na 'Gloria' raw ang pangalan.


"Tatlo ang anak mo?" Tanong ni mommy.Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap nila dahil muli kong nilingon ang babae kanina.

Kumunot ang noo ko nang nahuli ko siyang nakatitig sa'kin.She was freaking smiling at me and I can't figure it out of why the heck my heart is pumping rapidly.

It was just an angelic smile but my heart is out of control.

Umiwas ulit ako ng tingin.


"Dito na rin kayo kumain!Malaki naman ang mesa 'tsaka maraming upuan." ani mommy kaya walang pagda-dalawang isip ang magulang ng babaeng umupo.

Tinawag rin ng kausap ni mommy ang babae at dalawang kapatid niya.


"Hi!" mabait na wika ng babae habang kumakaway sa'kin.Kaharap ko siya sa mesa habang ang pamilya namin ay nag-uusap.Si Cloud naman ay bored na kumakain na parang walang pakealam sa mundo.

"Hello." I smiled in a pint-size.

"Ako nga pala si Janaveigh Savannah Lumpor.Ikaw?" She raised her one hand like she wanted us to shake hands.

"Sky Elperes." sagot ko at nakipag-kamayan.

"Sky?In tagalog langit?Wow ah.Gwapo mo naman este ang gwapo ng name mo."

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang