C20

556 55 11
                                    


Dedicatedto:
@AnnaMarie641401 @GazelyjoyceRodolfo9 @jachel_07

Nakatulala lang ako habang nakangiti.Kahit na magpapanggap lang siya bilang boyfriend ko,hindi ko parin mapigilang maging masaya.He'll just pretend that we're in a relationship.Hindi na niya kailangang mahalin ako ng totoo.

"Hoy!"


"Hoy,uwian na!" sigaw ni Reese sa'kin.Nakangiti ako bumaling sa kaniya.Ngumiwi siya at mukhang nandiri sa'kin.

"Bakit ngumingiti ka sa'kin?" tanong niya.Humalakhak ako.

"Bawal ba?"

Umiling siya. "Bawal.Creepy mo tingnan."

Humalakhak ako.Lumingon ako kung saan nakaupo si Skie pero wala na siya doon.Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Tara na!" aya ko kay Reese.

Hinila ko siya papalabas ng room.Napahinto ako dahil bigla akong hinarangan ni Kevin.Napahinto rin si Reese na nasa likuran ko.


"Hi!" masayang sabi ni Kev.Umirap ako at kumawala ng buntong hininga.

"Ano na naman ba? Research?Sa susunod na natin pag-usapan 'yan." aniko.

Ngumuso siya at muling ngumiti sa'kin.He shook his head.

"Sabay sana tayong umuwi?"

Umiling agad ako. "Hindi nga Kevin...matagal na kitang ni-reject.Kaya please lang?"

"Tara na nga Reese."

"M-mauna ka na pala Sav.May inutos pa kasi ang guro sa'kin." aniya.Tumango nalang ako.

"So... mauuna na'ko?" Tanong ko.Tumango siya kaya tuluyan na'kong umalis.Hinanap ko kaagad si Skie.

Madali ko lang siyang nahanap dahil nakasandal siya sa kaniyang motor na parang may hinihintay.Wala doon si Jona kaya siguro siya ang dahil kung bakit siya naghihintay?or is it me?Nakangiti akong lumapit sa kaniya.Agad naman niya akong nakita kaya nakapamulsang nakatayo.

"Hi!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.Agad naman siyang sumakay sa motor niya at tinapik ang likod na upuan.

"Tara na."

Salubong ang kilay ko.

"Huh?E si Jona?Hindi natin hihintayin?Hindi ba parati mo naman siyang hinahatid..." tanong ko.


"May sinakyan na siya kaya tayo lang dalawa."



Uminit ang pisngi ko sa huling sinabi niya.Umangkas ako sa likuran at doon na niya pinaandar ang motor.Without any hesitation,niyakap ko ang tyan niya bago pa siya nagmaneho.

"Pwede ba tayong mag date ngayon?" wala sa sariling tanong ko.Medyo nagulat siya dahil biglang bumagal ang pagmaneho niya.

"Can we do that?" I asked again.

"Sure, let's date." sagot niya na ikinabigla ko.




Malakas ang kabog ng puso ko sa sinabi niya.Ang sarap lang pakinggan ang mga iyon dahil galing sa kaniya.

Dinala niya ako sa garden restaurant.Hindi ko alam na dito kami pupunta.This is the place when we became friends.Nagkasalubong kasi namin ang pamilyang Elperes dito na kaibigan rin ng mga magulang ko.



"Welcome!Ma'am,Sir..." pambubungad ng babae nang papasok na kami ni Skie.

Pero nakatitig talaga siya kay Skie!Ngiting-ngiti pa ang babaeng kumurap-kurap!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now