C24

484 55 20
                                    


Dedicatedto:
@pangettmooo
@ElisseLoreenChin
@callmechin_





Unti-unting kumawala ang labi niya sa'king noo.Ni hindi ko magawang labanan ang titig niya dahil naiilang ako.Hindi naman ako naiilang dati sa kaniya ah?Bakit ngayon ay hindi ako mapakali!

Mahina niyang hinaplos ang pisngi ko na nakapagulantang sa'kin ng kaunti.Ngayon ay nakatingin na ako sa kaniya.He smiled in a pint-size.Gosh,ang gwapo niya talaga.Lalo na kapag ganito kalapit ang mukha niya.His eyebrows,eyes and jawline are perfect,iyong tipong maa-attract ka agad.His nose are sharp,mapupula din ang kaniyang labi na ang sarap halikan.


"Aalis na ako.Pumasok ka na sa bahay niyo." aniya at inihanda ang sarili sa motor.

Wala sa sarili akong tumango.Hindi pa rin ako nakarecover sa ginawa niya.


"S-sige!"

Umingay ang makina ng kaniyang motor at doon na siya umalis.Sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at tumili ng mahina.Malaki ang ngisi kong pumasok sa loob ng gate.Nakasalubong ko si Mama sa sala paakyat ng hagdanan.

"Ma!" tawag ko rito at nagmano nang makalapit.

"Sav!Aba't ang saya-saya mo yata?" humalakhak si Mama.Tumawa din ako.

"Wala..." humalakhak ako.
"Nakauwi na po ba si Papa?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Mama kaya kumunot ang noo ko.


"Hindi pa,anak.Hindi pa..."

"A-ah...baka uuwi na si Papa ngayon,Ma!Magbihihis muna ako ah?"

Tumango si mama kaya pumunta na ako sa kwarto para magbihis.Nang kaininan na ay nag distribute na kami ni kuya sa hapag.Si mama na lang yung nagluto dahil hindi pa umuuwi si Papa.

Naalala ko na naman yung araw na nag-away sila sa kadahilanang nangangabit si Papa.Hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil baka... totoo talaga.




"Sarap!" bumungisngis si Cass habang ngumunguya ng pagkain.Pinunasan ko ng tissue ang madungis niyang pisngi dahil sa ketchop.



"Ma?" tawag ni Cass.

"Yes,anak?"

Ngumuso si Cass.
"Bakit wala pa si Papa?Saan po siya?"

Natahimik ang lahat.Hindi nakasagot si Mama.Tumikhim si kuya at binasag ang katahimikan.

"Baka bumili pa yun ng pasalubong sa'yo bunso." ani kuya at mapaklang tumawa.


"Talaga?Yey!"

Natapos na ang kaininan pero wala pa rin si Papa.Naglipit na kami ni kuya ng plato at nilagay sa lababo.



"Ako na maghuhugas." Nakangiting sabi ko kay kuya.

Nabuga niya ang juice na iniinom niya dahil sa gulat.Natawa pa ako.

"Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang si kuya.Nginiwian ko lang siya dahil ang over niyang maka react.

"Ano ka ba kuya!Ako lang 'to."


"Ano bang nakain mo,huh?" humalakhak si kuya at sinara ang refrigerator.

"Wala.Ano?Ayaw mo?Sige.Bahala ka na nga diyan." nagkibit balikat ako at aaktong aalis na sana pero tinawag ako ni kuya.

"Eto namang maganda kong bunso...bait-bait talaga! Sige,ikaw na ang maghuhugas." pambobola niya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now