C9

631 67 44
                                    





Abala ako sa pagsusulat ng essay ko sa english.Tatapusin ko na lang 'to ngayon para wala na akong aalahanin mamaya.Nadisturbo ako sa kaliskis ng upuang hinila ni Ayi sa'king tabi bago siya umupo kaya sinita siya ng librarian.Bumuntong hininga ako.


"May sasabihin ako."
Sa tono pa lang niya ay masaya siya.

Nagpatuloy lang ako sa pagsulat.

"Sige lang."


In my peripheral vision,umayos muna siya sa pagkaupo bago nagsalita.



"Mag co-confess na ako sa kaniya!"
Mahinang sigaw niya na mukhang na e-excite sa gagawin.Naantig niya ang tenga at buong atensyon ko.Agad akong lumingon sa kaniya habang nagugulat.


"P-paano kung..." Hindi ko natuloy.

Kumunot naman ang noo niya.

"Kung ano?"


Napatikom ako ng bibig.Bigla akong kinabahan sa hindi alam na kadahilanan.Seryoso nga ba talaga siya kay Skie?

Ngumiti ulit siya sa'kin.



"Pwede mo ba akong tulungan?Bukas ko na sana sasabihin sa kaniya..."
Mahinahong sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri.

Hindi agad ako nakasagot.



"Please?Please?Sige na...pumayag ka na,Sav.Kailangan ko talaga ang tulong mo.Plano ko sana na i-set mo kami ng date after school bukas."

Kita ko kung gaano siya ka determinado.

I want to help her pero bakit parang may humihila sa'kin?Parang may parteng hindi sang-ayon sa mangyayari.


"S-sige."

Lumiwanag ang mukha ni Ayi.She hugged me really really tight.

"You're the best cousin!"

"Quiet!" saway ng librarian.

Tumunog ang bell para magsiuwian na kami.Agad namang nag text sa'kin si Reese na sabay ulit kaming umuwi.




Me:

Mauna ka nalang umuwi Reese.May gagawin pakong importante e...

Reese:

Huwaaaat?!Nandito na sana ako sa hallway.Hinihintay ka!

Me:

Mauna ka nalang.

Reese:

Bakit?

Napakamot ako ng buhok.Ang kulit.

Me:

Basta!





Inilagay ko ang cellphone sa bulsa.Nandito kami ni Ayi sa bench ng oval.


"Ano kayang susuotin ko?uniform lang ba o mag dress?Kung mag d-dress kasi ako baka mahahalata niyang mag co-confess ako..."


Nag-iisip siya habang kinikilig.Kita ko sa kaniya ang pagka excited.Naaawa ako sa kaniya kaya tutulungan ko ang pinsan ko.Na kwento rin niya sa'kin palagi na seryoso siya kay Skie kaya siguro...ito na ang tamang babae para sa kaniya.

May kung anong gumuhit na kirot sa puso ko na agad ko namang binaliwala dahil nagtanong siya.


"Kanina ka pa tulaley?Okay ka lang?Baka hindi ka intersado...sorry,"

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now