C12

545 59 15
                                    

Dedicatedto:
@LheaAguilar3
@EllaizaMarieEncluna
@mycrystalgem
@jachel_07
@MiaMalinao558






Minsan,kailangan mo talagang magsakripisyo kung iyon ang ikakasaya ng iba.Helping and giving a way to others isn't a will, its a choice.Nakakagaan ng puso kung tutulong ka pero kapag ang sitwasyon ay ang kapalit ng kasiyahan mo ay magdadalawang isip ka talaga.

"1...2...3...aray!" Napaungol si Kevin nang natapakan ko ang paa niya.

"Sorry!Masakit ba?"

"O-oo!" Umakto siyang nasasaktan.At halatang nag d-drama!

Namali kasi ang galaw ng paa ko dahil nalimutan ko na naman ang steppings na ineensayo namin para sa Mapeh!

Hay!Ang hirap naman pala nito lalo na't hindi ko trip ang kapartner kong si Kevin o oa lang talaga ako.Folk dance ang sinasayaw namin kaya pati si Kevin ay medyo nahirapan kasi pop dance ang sinasayaw niya.

"Che!huwag ako,Kevin!" Nakangiwing sabi ko.Napaayos naman siya sa pagtayo at napanguso dahil palpak ang plano niya.

"From the top na lang tayo." sabi ko.

Sinunod namin ang steps ng folk dance na binigay ni Sir sa'min.Pare-pareho kami ng mga kaklase kong sasayawin pero kailangan by partners ang mag p-present.

Sched ng Mapeh ngayon kaya may oras kaming mag practice.

"Ganito ba?Sorry mali na naman," rinig kong sabi ni Ayi.Napahinto ako sa pag focus sa pinagsasabi ni Kevin sa harapan ko dahil nakatingin ako sa kanila.

"Its fine.Sa kaliwa ka dapat umikot habang hawak mo ang kamay kong nasa taas,okay?" sabi ni Skie.

Biglang nailang si Ayi sa titig ni Skie sa kaniya bago tumango.

"Tama ba ako?'Diba?" Ngayon ay naagaw ni Kevin ang atensyon ko.Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ha?" Tanong ko.Hindi kasi ako nakinig sa pinagsasabi niya.

Bumuntong hininga siya.

"Pasalamat ka't crush kita.Sabi ko..."

Hindi ko na naman siya pinakinggan dahil lumingon ulit ako sa dalawang sumasayaw.Kita ko ang pagtigil ni Skie para hawakan ang kamay ni Ayi dahil mali ang gesture niya.

"Ganiyan kasi." sabi ni Skie.

"Gets ko na.Salamat." ngumiti siya ng matamis.

"...'Diba?" Nabawi ulit ni Kevin ang atensyon ko.Napaipit ako ng bibig dahil hindi ko siya pinakinggan.

"Ano ulit 'yon?"

Kumawala siya ng malakas ng buntong hininga.Siguro ay naiinip siya sa'kin!

"Ang taas ng sinabi ko tapos hindi ka pala nakikinig!" inis niyang sabi.

Napanguso ako.Ako din naman ah!Ayoko siyang maging ka partner.Ewan ko ba.Basta ayaw kong siya.Gusto ko iba.Gusto ko si... nevermind!

"Mahina kasi ang boses mo.Pakilakasan pa." Palusot ko.

"Nasa harapan mo na nga ako e.'Di bale,pupuntahan kita sa bahay niyo bukas para makapag practice tayo ng maayos." maotoridad niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko.What!

"Pupuntahan?You mean alam mo kung saan ako nakatira?!"

Ngumisi siya at humalakhak.

"Hindi ko pala nasabi sa'yo.Stalker mo'ko.Matagal na.Tsaka tinanong ko si Reese." Bulong niya matapos ay tumawa.

Nanindig ang balihibo ko.Nakakatakot!Hindi ko alam na stalker pala 'to!Kaya pala minsan sa tuwing naglalakad ako,nakakaramdam ako na parang may nakatitig sa'kin!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now