C35

627 48 20
                                    

Nawe-weirduhan talaga ako kay Skie sa mga dumadaang araw dahil mas maalaga siya sa'kin.Walang oras na tinatanong niya ako kung maganda ba ang pakiramdam ko o masama after kong mag-review.Parati niya rin ako chini-check kung nakakain na ako ng tama at mas naging maingat siya sa'kin.

Natapos na ang aming final semester kaya gumaan talaga ang pakiramdam ko!Kaunting kembot na lang kolehiyo na kami!

Bumaba na ako sa motor ni Skie nang makarating na kami sa tinitirahan ko ngayon.

As usual,hinalikan niya ako sa noo.

"Huwag kang magpapalipas ng gutom.Always eat vegies and fruits,hmmm?"

Ngumisi ako at tumango.Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Opo,Sir." natatawa kong sagot.

Binigay niya sa'kin ang sling bag ko at tuluyan na akong lumapit sa gate at muli siyang tiningnan.

"Oh?Alis na!" natatawa kong wika.

Ngumisi siya.

"May nakalimutan ka." aniya.

Kumunot ang noo ko at doon na pagtanto kung ano ang ibig sabihin niya!

"I love you." mahina kong sabi na para bang siya lang ang gusto kong makarinig.

"I love you too." ani Skie.Natawa ako at umiling-iling.Tinalikuran ko na siya at kumaway patalikod matapos ay pumasok na sa loob.

Rinig ko na rin ang pag-harurot ng motor niya papalayo.Nilagay ko ang sapatos sa gilid ng pintuan bago pumasok sa bahay.

Natigilan ako nang may kumatok sa gate kaya bumalik ako sa nilakaran ko para pagbuksan ito ng gate.Bumungad sa'kin ang babaeng nasa trenta anyos ang edad.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

"Ay!gusto ko sana itong ibigay sa inyo. Birthday kasi nitong anak ko kaya may handaan kami." mabait niyang sagot.

Nilahad niya sa'kin ang malaking tupperware.Kinuha ko na lang ito kahit nagda-dalawang isip ako.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na may mabait kaming kapitbahay kahit baguhan lang kami sa lugar nila!Kadalasan kasi noon ay hindi approciable at masusungit kaya namamangha lang talaga ako na may ganito kaming kapitbahay ngayon!

"Nako!Salamat po!Nag-abala pa kayo..."

"Aleng Sona.Pwede mo akong tawaging Aleng Sona.Ano pala ang pangalan mo hija?" Tanong niya.

"Sav po."

"Nako!Ang ganda ng pangalan!At ang ganda-ganda mo hija!" Hinampas niya ako ng pabiro.Sinabayan ko naman ang tawa niya.

"Mag-ingat ka hija ah?Paniguradong maraming mahuhumaling na ka-edad mo dito.Nako!Huwag mong patulan kasi ang papanget nila hehe."

Ang harsh!Natawa na lang ako sa kakulitan ni Aleng Sona.

"Sige,sige po,aleng Sona.Salamat po ulit rito sa binigay ninyo!"

"Nako!Walang ano man!Atsaka may negosyo pala ako.Baka gusto niyong bumili?Gumagawa ako ng puto,buko pie,biko,candy na ube at iba pa!"

Napangiti ako at tumango.Masarap 'yun ah?

"Interesado po!Tatanongin ko na lang ang Papa ko." Nakangiti kong sagot.

"Okay!Eto pala 'yung cellphone number ko.I-text mo na lang ako kung o-order kayo,hija."

Binigay niya ang number niya sa'kin at nilagay sa contacts ko.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now