C23

599 67 31
                                    





Nilapitan ako ni Reese sa'king upuan nang matapos mag anunsyo ang isang school officer sa classroom namin.


"Sasali ka?" tanong niya sa'kin.

"E Ikaw?"tanong ko pabalik.

Nagkibit balikat siya bago sumagot.

"Ewan ko.Kung sasali ka sasali rin ako." sagot niya.

Inanunsyo kasi ng president sa school officer sa'min na may event na mangyayari sa papalapit na lunes.Cooking contest daw at may ibibigay sila na premyo sa mananalo.

Gusto kong sumali pero nagdadalawang isip ako.Marami rin kasing magagaling magluto at mababa ang tingin ko sa'king sarili.

"Sali ka na!Ang galing mo kayang magluto!Sureball na mananalo ka." Usal niya na parang nagsasabi ng totoo.

"Sige,pero sali ka rin ah?"

Tumango siya.



Freetime namin ngayon kaya bumili ako kasama ni Reese sa cafeteria dahil nagugutom kami.We ordered burger and juice at naglakad papuntang room.Naglalakad kami ngayon sa corridor habang kumakain.

"Teka wait!" biglaang sigaw ni Reese kaya nagulantang ako.

"Ano what?!" aniko.

Tiningnan niya ako ng maigi at doon kumawala ang ngisi niya.


"Muntik ko na palang makalimutang tanongin ka."

Kumunot ang noo ko.
"Huh?Tungkol sa'n?"

"Nakita ko kayo ni Sky na magkasamang pumunta sa school kanina.Ano na ba ang status niyo?May tinatago ka ba sa'kin,Sav?" tanong niya.


Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot.Ayaw kong sabihin na nagpapanggap si Skie na boyfriend ko at ayaw ko ding magsinungaling.

"Friends pa rin.Masama bang magkasabay kami?" inosentang tanong ko.

Nanliit ang mata niya.


"E ba't parang may something sa inyo?"

Umiling naman ako.


"Wala ah.Binibigyan mo lang talaga ng malisya!How I wish na totoo ang sinasabi mo." natatawang sabi ko at humigop sa juice box na hawak ko.

"Kunting landi pa baka magustuhan ka ulit nun." tumawa siya.

Hindi na ako nakitawa dahil nabadtrip nang makitang papalapit si Kevin sa gawi namin.

Hinawakan ko ang kamay ni Reese para lumiko sa kabilang corridor.

"Uy 'asan tayo pupunta?"

"Libutin muna natin ang classrooms.Matagal pa namang mag bell."

Ayaw ko lang talagang makasalamuha si Kevin dahil paniguradong kukulitin naman ako.

"Hi!Hintay naman oh!" rinig kong sigaw ni Kevin.Rinig ko ang sapatos niya dahil sa pagtakbo.

Tumigil si Reese at lumingon sa likod.

"Ano na naman ba?" naiirita kong tanong kay Kev.

"Wala lang...Hindi ka kasi namamansin kanina e.Gusto ko lang sanang tingnan ang maganda mong mukha." pambobola niya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now