C31

619 60 73
                                    






I'm tipsy last night but I can still remember everything!Hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi kahit nakainom ako.

I can't believe that we did it!At sa birthday ko pa talaga.

Napahawak ako sa sintido dahil sa iniisip.I shook my head to clear the thoughts.Sumasakit ng kaunti ang ulo ko dahil sa hangover kagabi.Sumasakit rin ang katawan ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Skie.Agad akong umupo sa kama at nilingon ang gilid ko.Lumingon rin ako sa paligid pero wala siya.Bumaba ang tingin ko sa'king saplot.Nabigla ako dahil hindi ito ang damit ko kahapon.

Binihisan niya ba ako ng pambahay kagabi?o kanina?

Uminit ang pisngi ko kaya napatakip ako sa mukha.

Ano na lang ang sasabihin ni Mama at Kuya Qui kung malalaman nilang may nangyari sa'min?Ano na lang ang maipapakita kong mukha sa kanila!Wala na 'yung virginity ko.Nabigay ko na kaya wala na akong magagawa.



"Please don't regret this."

Tumayo ang balahibo ko nang maalala ulit ang sinabi niya kagabi.Bigla kong narinig ulit ang malalim niyang boses at katawan niya.



Napag-isipan ko na maligo na lang muna.Kumuha ako ng tuwalya at bagong damit sa closet bago naligo.Matapos ay nagbihis ako bago lumabas.Natigilan ako sa paglalakad nang may naaninag ako isang maliit na papel na nakadikit sa study table ko.Dali-dali akong lumapit 'tsaka iyon kinuha.



Morning!I'm sure you're already awake.Pasensya na kung ako mismo ang nagbihis sa'yo kagabi.Umalis muna ako saglit dahil pinatawag ako sa bahay.Pasensya na rin dahil napagod ka kagabi...I'll see you later,mahal.

-langit



Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang binabasa ang nakasulat sa sticky note.
Mas lalo ring namula ang pisngi ko.He even called me mahal and I know for sure na totoo na.Wala ng pagpapanggap but we still need to talk about something later.Ayaw ko kasi ng malabong relasyon.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.


"Pasok po!"

May bumukas nang pinto at doon ang paglingon sa akin ni Mama.Bigla akong kinabahan.

Alam kaya nila?Hindi ko na nakita si Mama at Kuya kagabi.Posible ring natuklasan nilang nasa tabi ko si Skie kahapon!



"M-ma?Good morning." kalmado kong bati sabay ngiti.Binati rin ako ni Mama at tuluyang lumapit sa'kin.

"Nasa hospital pa pala si Cass ngayon.Ang sabi ng doctor ay pwede na raw siyang makakalabas bukas." aniya.

Tumango-tango naman ako.

"So hindi ka po umuwi kahapon?"tanong ko.

Tumango siya. "Binabantayan ko ang kapatid niyo kahapon kaya ngayong umaga lang ako nakabalik dito sa bahay." Sagot ni Mama.

"E si Kuya po?"


"Na late raw iyon kahapon kaya hindi ka na niya naabutan.Nakatulog ka na raw kasi.Buti na lang daw ay binantayan ka ni choy."

Nabigla ako sa sagot ni Mama.Buti marunong magpalusot si Skie!

"Naglasing ka raw kagabi?Bakit hmmm?Rinig ko ring pinaalis mo ang ibang bisita sa loob." Salubong ang kilay ni Mama habang hawak ang bewang niya.

"Sorry,Ma."

"Hindi kita masisisi.Nasa legal na taon ka na pero huwag ka ng uminom ng alak ulit ah?"


Yielding the Sky(Elperes Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant