C34

576 50 17
                                    

Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako kay Jonalyn dahil sa ginawa niya.Kung hindi agad ako nakapunta sa classroom ay paniguradong mahahalikan niya si Skie!

May kinuhang kung ano si Skie galing sa bag niya.

"Ayos ka lang?Juice box gusto mo?" Aya niya nang sinandal niya sa railings ang braso kagaya sa'kin.

Kumawala ako ng buntong hinga 'tsaka umiling.
"Ayaw ko."

Pero hindi niya pa rin ako tinantanan dahil hindi pa niya ibinababa ang kamay niya na may hawak na juice box kaya kinuha ko na lang ito pagkatapos ay tinusok ang straw sa box at humigop.

Nasa rooftop kami ngayon,nagpapahangin.Dinala niya kasi ako rito nang magkasagutan kami ni Jonalyn kanina.

Ako dapat ang maiinis sa kaniya pero siya naman 'to nagagalit sa'kin!

"You have no rights to steal a kiss from him,Jona kung alam mong may girlfriend na."

Napakagat siya ng labi bago siya magsalita.

"H-hindi ko naman siya hahalikan,Sav..." Palusot niya.

Lumapit ako sa kaniya.

"E ano ang balak mong gawin?" tanong ko.

Iniwasan niya ang paninitig ko.Nangangapa pa siya ng sagot.The guilt in her face is evident.

"See?Hahalikan mo nga." mahina kong sabi pero alam kong rinig niya.

Bumaling ako sa inosenteng si Skie na walang kaalam-alam sa nangyari.Tiningnan niya ako habang nakakunot ang noo.

"H-hindi ko nga siya hahalikan!Nakita ko kasing may dumi sa mukha niya kaya naisipan kong kunin iyon!" Biglaan siyang nag-explain.

Nanliit ang mga mata ko.As far as I know,wala akong nakikitang kahit anong dumi sa mukha ni Skie.She's probably covering her hole.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Skie.

Nilingon ko ulit siya.Aaktong sasagot sana ako pero inunahan ako ni Jona.

"Eto kasing girlfriend mo.Kung ano-ano nalang ang binibintang sa'kin." Medyo naiinis niyang sagot.

Napanganga ako ng kaunti.Nakita ko 'yun!Ngumingiti pa nga siya kanina e.Ibang-iba ang tingin ni Jona sa'kin ngayon,akala ko talaga mahinhin itong babaeng 'to.

"Hindi ako tanga Jona."

"Alam mo,Sav?Masyado kang possessive sa boyfriend mo.Pati maliliit na bagay binibig-deal mo." nakakainsulto ang boses niya.

"Jona!" sita ni Skie sa kaniya.

"Ano?Totoo naman e!" ani Jona.

Hindi talaga ako makapaniwala!Bakit sa dinami-raming tao,ang mga kaibigan ko ay halos mga peke?Iilan lang ang mga taong totoo sa'kin.

"Hindi kita pinagbintangan,Jona.
Sinasabi ko lang 'yung totoo."
sabi ko at pinakalma ang sarili.

"E bakit mo'ko inaakusahang hahalikan ko siya?!" turo niya kay Skie na umaawat sa'kin dahil ilang segundo ay sasabog na ako sa inis!

"Kasi totoo naman!Amoy na amoy ko na na may gusto ka sa kaniya." mariin kong usal.

Nabigla naman siya sa sinabi ako.Oh?Kasi totoo?

"Babe...tara na." Bulong ni Skie sabay hawak sa kamay ko at hinila papuntang rooftop.

Ugh!Nakakairita talaga!Okay lang naman kung may gusto siya sa kaniya e,I'm totally fine with that kasi hindi naman talaga makakaligtaan ng mga kababaihang magka-gusto sa kaniya pero ang hahalikan siya ay hindi pwede!Yes, muntik lang iyon pero naiinis pa rin ako dahil kung hindi ko nakita, siguro nahalikan na niya si Skie sa labi.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now