C41

712 56 83
                                    






Inoobserbahan ko ang pagluto ng iilang chefs rito sa resto.Sinuyod ko rin ang ibang employers ko na busy sa kani-kanilang trabaho.Hindi madaling magpalago ng isang restaurant pero dahil sa kasipagan at pag-iisip ko ay naging successful ang dating pinapangarap ko lang.

Patok na patok ang Casa de Bray Restaurant dahil binalik-balikan ng mga tao ang mga pagkain rito lalo na ang mga desserts.Maraming ginanahan sa mga sweets na nasa menu at isa na roon ang specialtist namin ni Papa noon.

"Uhm,Ma'am? Excuse me..."

Napalingon ako sa isa sa mga waitress.Dala-dala niya ang black tray na walang laman.Kumunot ko at tiningnan siya ng nagtatanong na mukha.

Napalunok naman siya at lumingon sa likuran at muli akong hinarap ni Gretchen.

"M-meron po kasing nag po-protestang babaeng costumer sa labas..." puno ng takot ang kaniyang boses.

Nanlaki ang mata ko.

"What is it about?Ano raw ang problema?" nagsimula akong maglakad palabas sa kitchen.Sinundan ako ni Gretchen habang sinasagot ang tanong ko.

"May buhok raw kasi sa chicken algredo niya po...Tapos sinabi niya rin na kakausapin ka po niya dahil madumi raw 'yung pagkain." sagot niya.



Bigla akong na-frustrate sa narinig ko dahil naalala ko na naman ang ginawa ni Reese nung time na may cooking contest na nangyari.Siya ang naglagay ng ipis at buhok sa putahe ko kaya nagkadugtong-dugtong ang mga problema.

Dahil sa ginawa niya ay naging miserable ang buhay ni Lorena dahil siya ang naging masama sa mga mata ng iba dahil nasaksak niya si Reese.Little did they know, si Reese pala ang puno't dulo nito.

The day I left Skie is the day that I want to die.Oo,sinubukan kong patayin ang sarili ko nun kahit alam kong may bata sa loob ng tyan ko.



"Baby?S-sorry kung susuko na si mommy mo...Sobrang nasasaktan na a-ako.Gusto ko ng sumunod sa p-pamilya kong nasa langit..." walang kupas na lumandas ang mga luha sa'king pisngi.

Nasa harapan ako ngayon ng cliff.Ibinaba ko ang tingin at doon ako kinabahan nang makitang malakas ang ang paghampas ng tubig.Pumikit ako ng dahan-dahan at humakbang ng kaunti.Hinawakan ko ang wood railings at dahang-dahang umakyat.

Hinanda ko ang sariling tumalon.Gusto kong tumalon pero hindi ko kaya.Natatakot ako.


"TATALON KA?" nabigla ako sa sumulpot na boses.Agad akong lumingon sa likod at doon ko nakita si Lorena!

Bakit siya nandito? Imposibleng nandito rin siya!

"L-lorena?" kinakabahan kong tawag dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya.

I wanted to apologize to her.Inakusa lang siya ni Reese noon.Nainis siguro siya kaya niya nasaksak si Reese at dahil doon ay na kick-out siya.

"Anong ginagawa mo rito?Plano mo bang tumalon diyan?" natatawa niyang sabi at sinandal ang braso sa railings.

She's really weird pero hindi masamang tao.

"O-oo..." Nahihiya kong sagot at unti-unting bumaba sa railings.

Tumawa siya ng kaunti sabay lingon sa'kin.Napagtanto kong may mga pasa sa braso at mukha niya.

"Bakit?" tanong niya.Ipit ang labi ko.


"Wala ka na doon 'tsaka ano bang ginagawa mo dito?"

Salubong ang kilay niya.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now