C30

642 60 53
                                    

Warning:Slight matured content.Read at your own risk.

--------------------------




Hinapit niya ang aking bewang.Unti-unti ko ring nilagay ang kamay ko sa balikat niya.Tumingala ako sa kaniya at doon nagtagpo ang paningin namin.

"Happy 18th birthday..." bulong niya sa tenga ko habang sumusunod kami sa ritmo ng mabagal na tugtog.

May narinig pa akong ilang tilian sa gilid pero hindi ko sila nilingon.

Ngumiti ako sa kaniya.Ang nagawa ko lang ay ang titigan siya at puriin kung gaano siya ka-gwapo at kahalaga sa'kin.

"May regalo ka ba sa'kin?" tanong ko para maputol ang katahimikan.Ngumisi siya sa'kin at laking gulat ko na pinahinga niya ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"Malalaman mo rin mamaya.Let's just enjoy this moment." aniya.Hindi pa rin ako maka get over lalo na't ramdam ko ang hininga niya sa balikat ko.

"P-pagod ka ba?Gusto mong umupo ka na lang—"

"I'm kinda tired but that does not matter anymore.'Diba pangarap mo na isayaw kita kapag debut mo na?Wish granted." He whispered after standing straight.Ngumiti siya sa'kin.Ngayon ay ang dalawang braso na niya ang nakapulupot sa bewang ko.

Gulat na gulat ako dahil paano niya nalaman ang bagay na iyon e nasa diary ko 'yun? Huwag niyang sabihin na pinakialan niya ang gamit ko nung pumupunta siya sa bahay namin?

"B-bakit mo nalaman?"

Lalo siyang ngumisi.

"Aksidente ko lang nabasa ang diary mo.May nabasa akong iilang sekreto galing sa'yo.Halos lahat sa'kin."

Uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.Marami talaga akong diary tungkol sa kaniya!Pero wala na yata akong maipapakitang mukha kung nabasa niya ang huling pahina sa diary ko!

Huminto ako sa pagsasayaw sabay takip ng mukha ko.

"A-ano lang 'yung b-binasa mo?" kinakabahan kong tanong habang takip-takip pa rin ang mukha.

Napakagat ako ng labi nang hindi siya magsalita!Siguro nabasa niya iyon?Hindi naman ako nahihiya na malaman niyang gusto ko siya pero 'yung huling sinulat ko sa diary,nakakahiya!

"Nabasa ko na 'yun noon pa...Hindi mo na kailangang mahiya e—" pinutol ko siya.

Muli ko siyang tiningnan.

"Dapat hindi mo na lang 'yun pinakialaman!"

"E malay ko bang mababasa ko pati 'Sana magkaroon na kami ng anak ni Skie' 'Sana magkaroon kami ng isang dosenang anak'."

Agad ko naman siyang hinampas.

"Kalimutan mo na 'yan!" saway ko.Humalakhak siya.

Natigilan kaming dalawa dahil may sumingit na lalaki sa'min.Ngumiti si Kevin sa'kin matapos ay bumaling kay Skie.

"Pwede bang isayaw ko rin siya?" tanong ni Kev sa kaniya.

Tumikhim si Skie bago sumagot. 
"Sure."

Tumango-tango pa siya at bumaling sa'kin.
Ngumiti na lang ako kahit hindi pa ako ready na umalis siya.Sinundan ko lang ang pag-alis ni Skie.

"Happy birthday,Sav!" bati ni Kev.Ngumiti ako sa kaniya.

"Salamat..."

"Pwede na ba kitang isayaw?" Tanong niya.Tumango ako.

Natapos na akong isayaw ni Kev.Nang kainan na ay may tumawag sa'kin.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon