C37

606 58 33
                                    




Nakatulala lang ako buong oras sa mukha ni kuya.Pinipilit kong hindi ipikit ang aking mata para lang mabantayan siya.Naiiyak na naman ako sa nangyaring trahedya na dinanas ng pamilya ko.

Hindi ko matanggap na wala na si Papa at ang bunso kong kapatid.Kahapon lang ay ang saya-saya namin na parang walang problema.Nakita ko pa kahapon ang mga ngiti at tawa nila.

Nakaka trauma.

Nakaka trauma ng matulog dahil baka paggising ko,wala na si kuya.

"Sav...matulog ka muna.Ako na lang muna ang magbabantay sa kuya mo..." wika ni Ate Lesly sabay hawak sa balikat ko.

Walang gana akong umiling.

"Hindi,ate.Babantayan ko lang si kuya dito.Umuwi ka na lang muna sa bahay niyo ate."

Bumuntong hininga siya.

"Talaga bang hindi ka magpapahinga?Inaantok na 'yang mata mo oh..." Nag-aalala niyang sabi.

"Hindi po.Okay lang ako."

Dumaloy ang guilt sa'kin.Sa paningin ko ako ang may kasalanan nito.Kung hindi ko tinawagan si kuya,hindi yata mangyayari ito.

Kinuwento ni Ate Lesly kung paano na-aksidente sila kanina.Ang sabi niya,nagmamadali si kuya na lumabas sa kanilang classroom kaya sinundan din niya ito.Nag-aalala rin si Ate Lesly kaya sumabay rin siyang pumunta sa bahay.
Maulan at madulas ang kalsada.Nagmamadali si kuya sa pagmamaneho.May dumaang malaking truck sa kabilang daan kaya lumiko ang kotse at tuluyang nahulog sa bangin.

Hindi napuruhan si Ate Lesly dahil niyakap raw ito ni kuya.Pasa lang ang natamo niya habang si Kuya ay nagdudurusa sa critical na sakit.

"Babalik ako bukas sa umaga.Tawagan mo lang ako kapag may problema,ah?" ani Ate Lesly.Tumango ako habang nakatingin lang kay kuya na mahimbing na natutulog sa puting kama.

"Sige po..."

Tinapik-tapik niya ang aking balikat at ngumiti ng kaunti bago siya tuluyang umalis.

Sa makalawang araw,dumalaw ang dalawang kapatid ni papa sa hospital kung saan na confine si kuya.Kita ko sa mga mukha nila ang awa sa amin.



"Nako! Pasensya na't ngayon lang kami nakapunta.Kanina lang kami naka-byahe kaya medyo matagal kaming nakapunta dito..." sabi ni Tita Kathy.

Tipid akong ngumiti.Niyakap ako ni Tita Fel nang makita ako.

"Kami na ang bahala sa libing ng Papa Fernando at sa kapatid mo, Savannah."

Pumikit ako ng mariin dahil naiiyak na naman ako.Sa tuwing naririnig ko ang pangalan nila ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

"S-salamat po,Tita..." At doon na nga bumuhos ang luhang kanina ko pa kinikimkim.

Tinapik ni Tita Fel ang likod ko para patahanin.Kumalas na siya sa pagkayakap at hinawi ang basang buhok na nasa mukha ko.Matama niya akong tiningnan.

"Hija.Maging matapang ka.Kung ano mang mangyari,huwag na huwag kang susuko.Alam kong malala ang pagsubok mo ngayon pero ang masasabi ko lang ay kayanin mo.Maging matapang ka..."

Sinaluhan ng hikbi ang pag-iyak ko.Umiling ako kay Tita.

"H-hindi ko po kaya...Lalo na't kung may mangyari na namang masama kay kuya.H-hindi ko na po iyon kakayanin." Patuloy ang pag-iyak ko.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now