C33

581 57 36
                                    

Dedicatedto:
@ChecheLunes
@Ahtna_Max
@gold_ako
@AndrewFabrero1
@rieshavy




Pabalik-balik ang tingin ni kuya kay Mama at sa lalaking tinatawag ng ina kong 'Logan'.Nalilito siya at hindi alam ang nangyayari.

"Ma?" tawag ni kuya na nakakunot pa rin ang noo.

Pinapatahan niya ako dahil hindi ako matigil sa paghikbi.

Tiningnan ko ulit silang dalawa.Ang lalaki ay nasa tabi ni mama,nakayuko.Habang si Mama ay nangangapa pa rin ng salita dahil hindi niya magawang sumagot kay kuya.

"Bakit umiiyak si bunso?Sino siya Ma?At anong nangyayari?!" Iritadong si kuya.

Lumandas ang luha ni Mama.

"Mga anak...Ang papa niyo.H-hindi siya nangabit at w-wala siyang kasalanan sa'kin." Iyon lang ang naging sagot ni Mama dahil hindi na siya mapakali lalo na't dumating si Cass na inosenteng nakatingin sa'min.

"Cass?Doon ka muna sa kwarto ko.May chocolates doon.Kain ka muna doon,ah?" mahinang utos ko sa kaniya.

Ngumuso siya at sinunod ang sinabi ko.

"Anong ibig sabihin mo,Ma?Anong wala siyang kasalanan?Nalilito ako!" sigaw ni kuya.

"Kabit.Kabit ni mama 'yan." Hindi ko mapigilang magsalita.

Nalaglag ang panga ni kuya sa sinabi ko at mukhang alam na niya ang sagot sa mga tanong niya.

"Ma?" Tumawa siya ng mapakla.
"Totoo ba?"

Naluluha na si kuya lalo na't klaro sa mukha ni Mama ang guilt.

"Mga a-anak patawarin niyo ako—"

Hindi natapos ang sinabi ni Mama dahil agarang nilapitan ni Kuya ang lalaki at sinuntok ito ng napakalakas kaya natagilid ang mukha nito.

"QUINTIN!HINDI KITA PINALAKING GANIYAN!HUWAG MO SIYANG SAKTAN!"
Sigaw ni Mama dahil sinuntok ulit ni Kuya ang lalaking nasa sahig na.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumapit kay Kuya.

"K-kuya!"

Galit na galit ang mukha ni kuya habang aambahan ulit niya ng suntok ang lalaki pero hindi ito natuloy dahil napigilan ito ni Mama.

Nagulat ako at napatakip ng bibig nang malakas na sampal ang inabot ni kuya galing kay Mama!


"MATUTO KANG RUMESPETO KAY LOGAN,QUINTIN!" umalingawngaw ang galit na boses ni Mama.

Umalon ang galit ko dahil sa sinabi niya.
Tumawa ng mapakla si Kuya sabay lingon kay Mama na galit na galit pero napalitan ulit ng awa.

"Quintin,hindi ko sinasadya—"

"SHIT MA!HUWAG MONG SABIHING HINDI MO RIN SINASADYA ANG MANGABIT?" sigaw ni kuya habang dumadaloy ang luha sa kaniyang pisngi.

"Anak—"

"Ang sakit sa parte bilang anak mo,Ma.Sana naisip mo kami at si Papa bago ka magde-desisyon na maghanap ng ibang lalaki!Pinaniwala mo kami sa mga kasinungalingan mo!" Umiiyak na si Kuya na agad ko namang nilapitan.

"K-kuya..."

Kita ko ang pagtayo ng lalaki habang hawak ang panga niya.Umiiyak si Mama sa harapan namin.

"Ano bang pagkukulang namin?Bakit...bakit naghanap ka na e masaya naman ang pamilya natin ah?Mahal na mahal ka namin at lalo na si Papa!Alam mo ba kung gaano nasaktan si Papa bago siya umalis?Gusto ko sana siyang pigilan pero inuna ka namin kasi pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang pakiramdam mo kapag nasa paligid si Papa!"

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now