C10

619 62 14
                                    









Ilang oras lang yata akong nakatulog at dahil iyon kay Skie!Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sa sobrang gulat ay hindi ko siya na replyan.May kung anong malamig at kiliti sa tiyan ko.Akala ko namamalikmata lang ako sa nabasa pero totoo nga.


"I like someone else."

Sky Elperes change your nickname to someone else.

Nilagay ko sa'king mukha ang unan ko at napapikit ng mariin.Suminghap ako at dilat na dilat ang mga mata dahil naisip ko si Ayi.Ang kilig at saya ay natabunan ng lungkot at panghihinayang.Ngayon niya sasabihin kay Skie na may gusto siya sa kaniya at kagabi lang ay parang sinabi na rin ni Skie sa'kin na gusto niya ako.

Parang pinapapili ako!Kung si Ayi ba o si Skie!

Kung ang pinsan ko o ang nagugustuhan ko na ring lalaki...

Napalunok ako.Hindi ko alam.Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin.

Matamlay akong pumunta sa cr para maligo.Nagsuot na rin ako ng school uniform at bumaba.Naabutan ko si Kuyang kumain sa lamesa na agad ko namang hinalikan sa pisngi.




"Good morning, Kuya!" masiglang sabi ko.Agad din naman niya akong hinalikan sa pisngi and as usual,ginulo-gulo ang buhok ko.

Ay!Kakasuklay ko lang e!

"Good morning!"

"Asan sila Mama?" Lumingon-lingon pa ako sa sala.

"Nauna na silang umalis.Si Papa naman ay abala sa pag ha-handle ng mangga."

Tumango-tango na lang ako.Hay!Hindi ko talaga naaabutan sila kapag umaga.Anong oras na ba kasi?

Tiningnan ko ang aking relo na ikinalaki ng mata ko.Alas-8 na?What?Late na ako!Agad ko namang binalingan si Kuya.

"Kuya Qui!Late na ako!Late na tayo sa school!"



I'm an early bird kaya hindi pwedeng ma-late ako 'no!This is my first time!Hindi na ako a-award-an nito!Kainis!

Bumabagabag kasi all night si Skie sa'kin!Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na gusto niya ako.Naalala ko pa kaya ang sinabi niya kung ano ang tipo niyang babae at lahat ng iyon ay kabaliktaran sa'kin!Siguro iniinis lang talaga niya ako doon kasi...ako pala ang gusto niya.

"Hindi kasi ako papasok ngayon."



"Haaa?!Bakit naman?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala si Yaya Rosie ngayong araw kaya walang magbabantay kay bunso.Nilalagnan pa rin e kaya kailangan kong magbantay."

Napanganga ako.Ha!Akala ko magiging maayos na ang pakiramdam ni Cass.Buti na lang talaga meron kaming kuyang maaalahanin.

"Ganoon ba?Sige kuya...mauna na po ako ah?"

"Pasensya na't hindi kita nagising.Ang himbing kasi ng tulog mo.Lalo na't naglalaway ka!"

Ngumuso ako at hinampas si Kuya.Kahit na 'no!Late tuloy ako!



"Hatid na ki—"

Agad akong umiling.Walang kasama dito si Cass!



"Mag t-tricycle na lang ako,Kuya.Sige,bye!Late na 'ko!"

Nag tricycle ako papuntang school.Pagpasok ko ay wala ng tao sa entrance ng school.Late na talaga ako!




"Ooops!Lista ka dito ineng!Late ka," sabi ng guard kaya napasimangot ako.Hay!Sinunod ko na lang ang sinabi ni guard.Wala naman akong magagawa e!



Yielding the Sky(Elperes Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora