C39

618 53 49
                                    

Warning:Foul Words

------------------------------------



Hinimas ko ang aking tyan at doon tumulo ang luha ko.

"Pasensya na't parating malungkot at umiiyak ang m-mama mo,baby...Hindi ko alam na nabuo ka pala namin ng t-tatay mo."

Hindi talaga ako makapaniwala! Kailangan itong malaman ni Skie na may batang nasa sinapupunan ko.

Kahit sa ngayon ay pinilit kong hindi muna iisipin ang lahat ng sakit na naranasan ko.Hindi iyon maganda lalo na't may bata sa tyan ko!

Pumunta ako sa malapit na tindahan.Nakitawag ako doon.Cinontact ko si Skie pero hindi ito sumasagot.

"Tapos ka na,ineng?" tanong ng tindera.

"Hindi pa po."

Nagpa-load na lang ako.Ayaw ko kasing minamadali ako.Tinawagan ko ang isa sa kaibigang kabanda ni Skie na kaibigan ko rin.

"Hello,Mike?Si Sav ito."

"Savannah?!Hindi naman alam ang nangyari sa'yo!Pati ako nag-aalala!Balita naming nasa bahay ka ng pinsan mo ngayon?"

Marami pa siyang mga tanong.Hindi ko rin alam kung saan nila nakuhang nasa bahay ako ng pinsan ko.

"Wait lang,Mike.Ang hirap ipaliwanag.Magtatanong lang sana ako kung nasaan si Skie."

"Si Sky?Nako!Nang malaman niyang nasa bahay ka ng pinsan mo ay agad kang hinanap!"

Kumunot ang noo ko.Ano?

"Kailan at saan niyo nakuha 'yan?"

"Wala pa yatang oras nang malaman naming nasa bahay ka ng pinsan mong si...Ayi ba 'yun?"

Mas kumunot ang noo ko lalo na't tinukoy niya si Ayi,ang pinsan kong traydor.Anak siya ni Tita Kathy.Alam niya siguro kung ano ang nangyari sa akin.

Ang hindi ko lang makuha ay bakit niya sinabing nasa bahay niya ako? Spoiled siya kaya madalas siyang tumitira sa pangalawang bahay nila.

Ano ba ang plano ng babaeng iyon?


"Sige,Mike.Salamat." binaba ko ang cellphone at pumara ng tricycle.

Kinakabahan ako lalo na't papunta si Skie sa bahay ng pinsan ko!Ayi is obsessed with him kaya hindi ko mapigilang mag-isip ng negatibo.

Nang makarating na ako sa labas ng bahay ni Ayi ay agad akong nag door bell ng paulit-ulit.Marahas ko iyong pinindot dahil sa galit.

"Sino 'yan?" May nagbukas ng gate sa akin at laking gulat ko kung sino iyon!

"REESE?!"

Naguguluhan talaga ako!Bakit siya nandito?Ano ba ang nagyayari?

Namutla siya nang nakita ako.Nangangapa siya ng sagot pero hindi niya man lang maibuka ang bibig niya.


"B-BAKIT...ANO BA ANG NANGYAYARI?!NASAAN SI SKIE?E SI AYI?ANO?MAY PLANO NA NAMAN SIYANG MASAMA SA RELASYON NAMIN?"

Panghuhula ko.Hindi na imposible iyon dahil nagawa na ni Ayi ang paninira ng relasyon sa'min dati!

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay nang walang permiso.Nakita ko sa labas ang motor ni Skie kaya paniguradong nandito siya!

"S-SAV!" tawag ni Reese habang sinunsundan ako.Malakas ang yapak ko sa hagdanan.Binuksan ko isa-isa ang kwarto para maghanap.

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Where stories live. Discover now