C38

525 39 27
                                    






May araw nga talagang hindi mo inaasahang mangyari sa buong buhay mo.Mapapa-tanong ka na lang sa sarili na,kakayanin mo pa ba o susuko ka na?
Siguro ito ang panahon na mapapaisip ako ng ganoon.Hinayaan ko lang ang lungkot na yakapin ako.Pinilit kong tanggapin ang lahat ng sakit dahil sa pagkamatay nila.

I was undecided when Kuya Quintin died at exactly his birthday.Hindi ko na talaga alam ang gagawin.Hindi ko na rin alam kung paano ako mabubuhay nang wala sila.

Nahihiya na ako kay Tita Fel at Tita Kathy dahil malaki ang gastos sa pagpapa-
hospital ni kuya at pagpapalibing.Sinabi nilang sa kanila muna ako titira pero nahihiya na ako kaya ang tanging paraan ko na lang ay puntahan si Mama.

Kahit kinakabahan ay iyon lang talaga ang choice ko.Bumyahe ako patungo sa bahay namin.Mas kinabahan ako nang papalapit na ang taxi sa bahay namin.Nandoon kaya ang 'Logan' na tinutukoy niya?

Matagal-tagal ko ng hindi nakikita si Mama kaya miss na miss ko na talaga siya!Kahit may pagkakamali siyang ginawa,mahal ko pa rin ang ina ko.

Pagkatapos nito ay magpapaliwanag ako kay Skie kung ano ang nangyari sa akin.Hindi ko kasi siya nakausap o tinext man lang dahil deactive lahat ng accounts ko at 'yung sim ko ay walang load.Hindi ko rin gustong magpaliwanag through cellphone dahil personal ko siyang kakausapin.

Nang makababa na ako sa taxi ay pinasadahan ko ng tingin ang isang malaking truck na may mga box at kagamitan sa loob.

May mga lalaki ring lumabas sa bahay namin dala-dala ang mga boxes.



"Manong?Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa isang lalaking may dalawang boxes.Natigilan siya.

"Binilin lang po ito sa amin.Ibebenta na raw ang lahat ng ito,e." Sagot niya at iniwan akong nakatulala.

Ibebenta ba ni mama ang kagamitan sa bahay?!

Nagmamadali akong pumasok sa gate.May nakabangga pa akong lalaking may dalang lamesa.Agad akong pumasok sa loob at hinanap si Mama.

"Ma!" Sigaw ko.

Lumiko ako papuntang sala at laking gulat ko nang nakita ang kinakasama ni Mama ngayon.Nasa harapan siya ng hagdanan habang nakatingala sa mga lalaking nagbubuhat ng cabinet.


"Oh,dahan-dahan..." ani Logan.

Kumunot ang noo ko.Siya ba ang nag-utos na ibenta ang mga gamit sa bahay?Kumulo ang dugo ko.Mabigat ang apak ng doll shoes ko sa paglapit sa lalaki.

"Anong ginagawa mo?Nasaan si Mama?" Galit kong tanong.

Nagulantang siya at lumingon sa akin.Nanlaki ang mata niya habang ako ay nanatiling galit!


"Anak ka ni Gloria hindi ba?" tanong niya.

"Ikaw?Kabit ka ng mama ko hindi ba?Nasaan si Mama!" umalingawngaw ang boses ko kaya ang ibang naghahakot ng mga gamit ay napalingon.

"K-kumalma ka muna.Hindi ako masamang tao."

Tumawa ako ng mapakla.

"Ikaw ang sumira sa relasyon ng magulang ko kaya huwag ka ng mag-expect na maayos ang turing ko sa'yo," mariin kong untag.

Napalunok siya at pumikit ng mariin.Parang kinakalma niya ang kaniyang galit.Ayaw niya sigurong patulan ako.

"Binenta ng mama mo ang lahat ng natitirang gamit sa bahay ninyo.Pati na rin ang bahay." Panimula niya.

Napanganga ako ng kaunti.Nanatili akong tahimik dahil may idudugtong pa siya.

Bakit naisipan ni mama na ibenta ang lahay ng ito?Humapdi ang puso ko dahil sa sakit.Dito kami lumaki.Dito ang tirahan ng pamilya ko nung maayos pa ang lahat.Maraming ala-ala ang bahay na ito.Ayokong ibenta ang bahay!

Yielding the Sky(Elperes Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant