1

1.5K 40 1
                                    

SAMANTHA

"Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ko at nagtatatalon sa kama. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na agad siya.

"Baby, mommy is awake so please stop jumping." Nakinig naman siya at sumiksik sa akin kaya yinakap ko na lang din ito.

"But we have to get ready. You said we will go to church and we'll play at the park. Today is mommy and Shin's day." Naglalambing pa siya kasi pinaulanan niya ako ng mga halik.

"Okay babangon na si mommy. Pakihintay na lang po si mommy sa baba." Hinintay ko muna siyang makalabas bago tumayo at nag-inat.

Gusto kong humilata na lang dito sa kama magdamag kaso masyadong outgoing itong si Shin, gusto laging nasa labas. Well, naiintindihan ko naman dahil apat na taon pa lamang siya at kailangan talaga nilang makipag-socialize. Mabuti na lang din at bakasyon nila kaya hindi ko na kailangan gumising ng maaga para maghanda ng agahan niya at paliguan siya.

Binilisan ko na lang ang mga kilos ko dahil mainipin pa naman ang isang 'yon. Paboritong araw niya ang Linggo kasi bukod sa magsisimba kami ay bonding day na rin namin tapos play day niya pa at pizza night mamaya.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang nakaupo sa designated chair niya na kumakain ng saging at nakadalawa na siya.
"Gutom na ang baby ko. Anong gusto mo for breakfast?"

"Fried rice and hotdogs po."

"Okay pero magtitimpla lang muna si mommy ng coffee. Gusto mo ba ipagtimpla rin kita ng hot chocolate mo?" Mabilis naman siyang tumango at may kasama pang ngiti.

Habang nagluluto ako ng agahan ay nanood muna siya sa phone ko. Mas gusto niya manood sa phone ko kasi mas marami siyang nakikitang videos tungkol sa mga hayop. Nilagyan ko na rin ng mga passcode ang ibang apps ko dahil baka saan-saan siya mapunta. Hindi naman sa may tinatago ako pero baka mamaya nagsesend na pala siya ng mga blank messages sa mga contacts ko o hindi kaya maka-dial ng number.

Hindi rintalaga siya nauubusan ng mga tanong habang ako naman ay hindi ko na alam 'yung mga isasagot sa kanya. Puro out of the World naman kasi 'yung mga katanungan at sinasabi. Ang inosente rin kasi ng mga tanong niya kaya kailangan sagutin dahil hindi naman talaga niya alam.

"Mommy, why do kangaroos have pockets? Do you also have a big pocket like them? Look oh, she has a baby inside it." Sabay pakita saan ng video na kung saan makikita ang isang mommy kangaroo at isang baby kangaroo.

"I don't have pockets like them baby. The pocket is where they keep and conceive their babies. Baby kangaroos are called joey. Enough with the phone and let's wash your hands so we can eat." Masunurin siya kaya binaba niya agad ang hawak na phone at lumapit sa akin para mahugasan ko ang kamay niya.

______

"Anak, stop crying or else we'll just go home." Sita ko sa anak kong umiiyak at nagta-tantrums matapos ang misa.

"But I want that colorful bird. I want to have a pet." Pinigilan ko ang tawa ko sa term na ginamit niya.

"Shin, listen to mommy. Those colorful birds you're saying are baby chickens and they just painted it. We can't buy pets pa kasi walang mag-aalaga sa bahay at meron namang pet dog si Ninong Jasper mo na pwede mong playmate at meron din kina Dad." Paliwanag ko sa umiiyak pa rin na bata.

"But I want my own pet. I want a kangaroo but you said we can't because we don't have kangaroos here." Humihikbi na siya sa sobrang iyak niya.

Nandito na rin kami sa parking ng mall pero hindi pa kami pwedeng lumabas hangga't hindi ito tumatahan. Dito na lang muna kami dahil masyado pang mainit kapag sa park kami tatambay, at least dito ay may aircon.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon