2

755 36 1
                                    

Lunes nanaman at tinatamad na itong anak ko kaya naman late na kami. May shoot kasi para sa brand ng clothing line namin at kailangan nandoon kami para matignan kung maayos ba ang ginagawa nila. Mabuti na lang nandoon na si Amari na siyang business partner ko at girlfriend din ni Jasper. Pagdating namin sa set ay busy ang lahat kaya sinabihan ko muna si Shin na maglaro at sinabihan ang isang staff na pakitingnan muna.

"Pasensiya na late kami, wala kasi sa mood kanina si Shin." Paumanhin ko kay Amari at bumeso na rin.

"Ayos lang. Medyo late na rin kami nagsimula kasi late si Justine. Asan pala 'yung anak mo?" Tinuro ko naman 'yung kinaroroonan ng anak.

"Who's Justin? Parang wala naman tayong kinuhang model na gano'n ang name." Nagtatakang sabi ko kasi wala talaga akong maalala.

"Oh yeah, I forgot to tell you na nag-back out pala 'yung isang model natin noong Thursday. Mabuti na lang ni-recommend ni Jasper itong si Justine." Paliwanag niya habang pinapanood namin 'yung isang model.

"May sikat bang Justin ang pangalan ngayon? Hindi naman siguro si Justin Bieber 'yan ano?"

As far as I remember wala akong kilalang local celebrity na Justin ang pangalan. Tatlong sikat kasi ang kinuha namin para mag-endorse ng product. Isang teenager, isang nasa 20's at isang medyo may edad na. 'Yung mga products kasi namin ay shirts, hoodies, jackets and pants na tinatangkilik ng kabataan. We're really grateful kasi medyo nakikilala ang brand namin na Sublime at may ilang branches na rin kami rito sa Luzon at maging sa Visayas. Hands-on din kasi si Amari dahil sa kanya talaga itong brand, co-owner lang ako at may sarili akong business which is restaurant.

"Hindi pa natin afford ang international celebrities at isa pa babae 'yung sinasabi ko. Justine 'yon with an e, J-U-S-T-I-N-E. Sabagay, pwede naman kasi siyang lalake rin." Binigyang diin pa talaga niya 'yung name.

"Okay. Eh asan na 'yon?" Curious na tanong ko dahil nakita ko na 'yung dalawang model at siya na lang ang hindi.

"Ayon, nakikipaglaro sa anak mo." Tinignan ko naman 'yung tinuro niya at likod niya lang ang nakikita ko dahil nakaharap siya kay Shin.

"Justine, turn mo na." Tawag ni Amari at paglingon niya ay siya namang pagkagulat ko.

Small world, siya lang naman 'yung estranghero kahapon sa mall. Iba na rin ang look niya ngayon pero mukha pa rin talaga siyang lalake sa paningin ko.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-play. I'll just finish my job then we'll play again." Naintindihan naman ng anak ko kaya tumango lang ito.

Ni-retouch muna siya bago sumalang at masasabi kong bagay sa kanya 'yung mga damit.

"Siya 'yung main natin. Sa June natin ilalabas itong mga bagong items para na rin tugma sa Pride Month. Right time and right person lang ang peg natin." Kahit kailan napaka-advance talaga mag-isip nitong si Amari.

"Eh bakit naman napa-aga ang shoot? Pwede namang sa June na lang din gawin. Sa anong larangan ba siya sikat?" Tanong ko ulit kasi kung siya ang main model namin ibig sabihin kilala siya.

"I just grabbed the opportunity. Busy siyang tao at madalang lang tumanggap ng ganitong work. Hindi siya Daniel Padilla level pero sikat siya sa LGBTQIA+ community dahil out and proud siya at sa business medyo kilala rin siya. Medyo matunog din siya sa mga kababaihan na baliko pati sa ilang artista." Medyo mahina ang pagkakasabi niya kasi malapit lang kami sa taong pinag-uusapan namin.

"Really? Paano naman siya naging close kay Jasper at napapayag siya na gawin itong shoot?"

"Ikaw na lang ang magtanong kay Jasper. Medyo matagal ka rin naman kasing namalagi sa Australia kaya hindi mo na alam ang mga ganap." Turan niya pa at hindi ko naman itatanggi 'yon.

ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora