47

377 18 4
                                    

SAMANTHA

Maaga akong nagising dahil bukod sa magluluto ako ng agahan ay sinumpong din ako ng aking morning sickness. Tama, buntis ulit ako at nasa ika-siyam na linggo na. Sobrang saya ko noong makita ko ang mga pregnancy test ko na nagpositibo at gustong-gusto kong sabihin kay Justine pero pinigilan ko dahil ito ang surprise ko para sa kanya mamaya.

Sinusubukan na ulit namin kaya expected ko na. I'm really hoping this time na sana walang maging complications at maging successful ang pregnancy journey ko. Hindi pa ako nagpatingin dahil gusto kong dalawa kami ni Justine na haharap sa doctor kaya this week na lang siguro.

"Good morning guys." Bati ko sa dalawang aso na agad lumapit sa akin. Si Constantine lang ang inuwi ni Justine rito at naiwan 'yung dalawa sa farm dahil request ni Tita 'yon para may kasama sila.

Matapos ko silang bigyan ng pagkain ay nagsimula na ako sa pagluluto. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Justine.

"Good morning, love. Happy birthday and happy first wedding anniversary." Saad niya matapos niyang humalik sa akin.

"Thank you and happy anniversary to us. Aren't you going for a run?"

"Mamaya na siguro, tulungan muna kita sa paghahanda."

"Kaya ko na ito at baka maglandian lang tayong dalawa rito kapag nag-stay ka pa." Habang tumatagal ay nagiging touchy na siya lalo na kapag nagluluto ako. 'Yung tipong amoy sibuyas at bawang na nga ako tapos panay singhot naman siya sa akin.

"Gustong-gusto mo nga na bina-backhug kita. Tignan mo nga itong mga anak natin kinikilig din." Turo niya sa dalawang aso na nakatingin lang sa amin. Ayon sa kanya ay sila muna ang baby namin kasama si Shin habang wala pang baby.

"Puro ka kalokohan. Kung ayaw mong mag-jogging ay maupo ka na lang tapos ipagtitimpla kita ng kape."

"Ako na lang magtitimpla ng kape ko, gusto mo ipagtimpla rin kita?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at nagtungo sa kung saan ang coffee maker. Umiling naman ako sa offer niyang coffee.

"Siya nga pala, sinabihan ko si Jaime na agahan ang pagdating ngayon para may katulong tayo sa paghahanda kaya baka kasama natin siyang kumain ng breakfast. Siguro maya-maya lang ay nandito na 'yon. Mabuti na lang at hindi niya kasama ang boyfriend niya." May pagka-bitter na saad niya sa kanyang huling linya.

"Ayaw mo ba sa boyfriend ng kapatid mo?"

"Medyo. Sa totoo ay nawiwirdohan ako minsan sa mga desisyon ni Jaime pagdating sa buhay pag-ibig niya. Para sa akin ay sinayang niya si Louis. Grabe 'yung effort niya sa panliligaw sa kapatid ko ilang years din siyang naghintay hanggang sa grumaduate si Jaime tapos sa huli ay may secret boyfriend naman pala." Medyo disappointed 'yung mukha niya.

"Ang saklap nga. Nakikita ko pa rin si Louis na kumakain sa restaurant pero sa tingin ko ay parang inaabangan niya lang kung darating si Jaime." Maging ako ay nanghihinayang kasi ang sweet nilang dalawa sa isa't-isa tapos one-sided lang naman pala or that's what I thought.

"Ang lakas ng tama niya sa kapatid ko eh. Tignan lang natin ang magiging reaksyon ni Jaime kapag nakita niya ulit si Louis mamaya."

"You invited her?" Medyo gulat na tanong ko dahil ngayon niya lang sinabi.

"Yep. Nakasalubong ko siya noong isang araw tapos in-invite ko. Off-duty naman daw siya kaya sure akong darating 'yon. Actually, pinilit ko siya kasi hesitant pa siya noong una kaya ginamitan ko siya ng charms ko."

"You're playing Cupid now, huh?"

"I'm not kaya. Gusto ko lang silang mag-usap dahil alam kong wala namang nangyaring pag-uusap sa kanila. Paano ko alam? Kasi natanong ko minsan kay Jaime. Sobrang disappointed ako dahil hindi man lang niya nagawang magpaliwanag sa tao. She's avoiding the topic."

ChancesWhere stories live. Discover now