13

379 22 0
                                    

SAMANTHA

Matapos naming tignan ang ilang pwesto ay napagdesisyunan naming bumalik na sa meeting place nila. Nauna nanaman 'yung dalawa naming kasama dahil sinadya ni Bruce na buhatin si Shin at iwan kaming dalawa. Ang close na namin sa isa't-isa, literal na close dahil magkatabi kami habang naglalakad. Nakisilong siya sa payong kaya siya na ang naghawak dahil siya naman ang mas matangkad. Kanina pa ito babad sa araw pero amoy ko pa rin ang fabric conditioner na ginamit sa damit niya plus 'yung pabangong ginamit niya. Isa pang kapansin-pansin ay ang height gap namin.

"Bagalan mo nga. Maiksi lang itong mga biyas ko kaya hindi ko masabayan 'yang mga hakbang mo." Sita ko dahil binibilisan na niya ang lakad.

"Nandoon na silang lahat, tayo na lang ang wala. Mamaya isipin nila nag-date talaga tayo."

"Eh ano naman?"

"Wala naman pero alam kong aasarin lang nila tayo eh." Sinabayan pa niya ito ng tawa.

"Naaasar ka ba? Just don't mind them. 'Tsaka huwag mo namang solohin 'yang payong." Binagalan niya na ang lakad pero kalahating katawan ko lang ang napapayungan. Wala rin namang nakakaasar kahit tuksuhin pa kami sa isa't-isa.

"Lapit ka kasi sa akin, mabango pa naman ako at gumamit kaya ako ng deodorant." Inaamoy pa niya magkabilaan ang kanyang kili-kili.

"Oo nga. Pwede ka na maging endorser ng Downy at Bench." I'm 100% sure Bench ang gamit niya.

"Bakit alam mo ang pabango ko?"

"You smell like it." Actually kaamoy niya 'yung ex ko. Same scent talaga. 'Tsaka familiar ako sa mga pabangong  panlalaki dahil minsan naaamoy ko kay Jasper.

"Mabango ba ako?"

"Oo, amoy Downy ka."

"Ayaw mo ba sa amoy ko? 'Yung itsura mo parang hindi mo gusto ang amoy ko."

Sasagot na sana ako nang bigla naman kaming sinigawan ni Dian na bilisan namin ang paglalakad dahil sabay-sabay na raw kaming kakain.

"Spill the tea, sis." Bulong ni Dian sa akin habang naglalakad ulit kami.

"Trenta ka na Dian pero malisyosa ka pa rin. Binitbit ni Bruce si Shin kaya nauna silang dumating at naiwan kami." Paliwanag ko pero hindi siya satisfied.

"Huwag ako Samantha. Pustahan magkaka-something kayo ni Justine." Ito nanaman siya sa mga silly bets niya.

"Baka naman kayo ni Bruce ang may something, Dian?" Mabuti na lang sumingit itong si Amari. Para tuloy kaming mga teenager na nagchi-chismisan ngayon habang naglalakad.

"Babalitaan ko kayo kapag meron na talaga kaya huwag kayong excited. Lovelife dapat ni Samantha ang pinag-uusapan natin." Ibinalik niya nanaman ang topic sa akin.

"Huwag daw pinag-uusapan ang mga gano'n kasi baka hindi mangyari. Hayaan mo na lang kasi sila baka mapurnada pa." Tugon ulit ni Amari.

"Mga siraulo talaga kayo." Tugon ko.

Hindi ko na lang din pinatulan ang mga pinagsasasabi nila tungkol sa lovelife ko at maging kay Justine na kesyo bagay kami, may chemistry and so on.

_______

Pagkatapos naming kumain ay humiwalay na ang grupo nila Justine sa amin para makapaghanda sila dahil isang oras na lang at magsisimula na ang event. Nakapwesto na rin kami sa may harapan at ang dami talagang tao ngayon. Siguro ay dahil may ilang artista rin na makikisali sa motocross event.

Habang nakaupo ay iniisip ko 'yung mga possibility sa mga sinasabi ni Dian if ever ma-develop nga kami ni Justine. Hindi ko masasabing kilalang-kilala ko na siya pero ramdam ko ang sincerity niya pagdating sa anak ko. If she would ask me for a date I'd definitely say yes—if she would. Open naman ako sa mga getting to know each other stage 'tsaka wala pa akong nakikitang red flag sa kanya.

ChancesWhere stories live. Discover now