45

413 18 0
                                    

SAMANTHA

"Love, gising na. Dinala ko na 'yung pagkain mo at naihatid ko na rin si Shin sa school nila." Rinig kong sambit ng asawa ko saka ako marahang niyugyog sa balikat.

Asawa ko na siya kasi kinasal na kami. 6 months 'yung preparation namin for the wedding tapos June 'yung wedding namin. Double celebration 'yon kasi birthday ko rin. Sa Sydney naganap 'yung wedding na dinadaluhan ng mga kaibigan at kapamilya namin. Sa Paris naman ang napili kong honeymoon place namin at Santorini. Ayaw niya sanang sa birthday ko 'yung kasal namin pero pinilit ko para hindi niya makalimutan na ang birthday ko ay wedding anniversary din namin. Isa pa ay para isahan na rin kung may regalo man siya.

"I'm not hungry." Turan ko sabay singhot.

"You're crying again. Please don't be too hard on yourself, love."

"How can I not? We lost the baby, I lost our baby." I don't care if I'm a crying mess right now. I'm grieving for my baby.

"It's not your fault and it's no one's fault." She reassured me before giving me a kiss on my temple.

Hindi na ako nagsalita kaya bumuntong hininga na lang siya.

"Pupunta ako sa site ngayon. Tawagan mo na lang ako kung may gusto kang ipabili. I love you."

"I love you too. Drive safely." Hinalikan ko siya sa pisngi lang dahil hindi naman ako nakapag-toothbrush.

Pag-alis niya ay muli akong natulala habang tinitignan ang wedding picture namin kasama si Shin. 'Yung ngiti ko sa picture ay gano'n din 'yung ngiti ko nang malaman kong buntis ako. Maging si Justine at Shin ay sobrang saya noong sinabi ko ang balitang 'yon. Unfortunately, nawala rin agad 'yung saya at excitement dahil nawala rin 'yung baby. I had a miscarriage two weeks ago and until now I'm not feeling well because of it. Going three months na sana ako kung hindi 'yon nangyari.

Dalawang linggo na akong nagkukulong dito sa bahay kasama si Hachiko. Wala pa 'yung mga aso ni Justine kasi sabi niya saka na lang daw niya kukunin kapag tapos na 'yung bahay na pinapagawa namin. Habang hindi pa tapos 'yung bahay ay dito muna kami sa bahay ko nakatira. Masaya si Shin kasi finally kasama na namin si Justine sa isang bahay at madalas na rin silang magbisikleta kapag weekends.

Sa loob ng dalawang linggo na pagkukulong ko ay nag-aalala na 'yung dalawa sa akin. Tinawagan ni Justine si mommy para naman daw may kasama ako pero pinauwi ko rin si mommy after 3 days. Paminsan-minsan ay dumadalaw sina Amari at pati na rin si Jaime. Ayokong mag-stay si Justine kasi papanoorin niya lang akong umiyak at may malulungkot lang ako kapag siya ang kasama ko.

___________

Kaninang tanghali ay dumating si Dian kasama si Wayne na anak nila. Last week pa pala sila dumating at dito na rin sila magse-celebrate ng Christmas kasama ang family ni Dian.

"Nasabi ni Justine sa amin ang nangyari at worried siya sa lagay mo ngayon." Sabi ni Dian sa akin habang buhat ko ang cute nilang anak.

"Alam ko naman 'yon pero sa ngayon ay gusto ko munang magluksa. Ang sakit lang kasi plinano namin 'yung baby at sobrang excited ako tapos biglang mawawala." Sabi ng doctor na tumingin sa akin ay mahina 'yung kapit kaya gano'n.

"Nooo cwying." Turan ng hawak kong bata at saka yumakap sa akin. Nakakapagsalita sa itong si Wayne at pinanggigilan niya pa kanina si Hachiko.

"I'm not crying, handsome. Tita Ninang is just sad." Nakakagigil ang pisngi nitong batang ito.

"Wey-wey, give ninang a magical kiss so that she would not be sad anymore." Utos ni Dian sa bata kaya humalik ito sa aking noo. Ibinaba ko na rin siya pagkatapos para makapaglaro siya habang nag-uusap kami ng mommy niya.

ChancesWhere stories live. Discover now