35

386 27 1
                                    

SAMANTHA

Nandito lang kami sa sala at nanonood. More like hinaharot ko lang siya habang nakatutok siya sa pinanonood namin na Maleficent na siya rin ang pumili. Ang reason niya ay dahil ang ganda ni Angelina Jolie sa palabas na 'yon. Timeless naman kasi ang ganda ni Angelina at para siyang wine na habang tumatagal ay mas lalong nagiging maganda. Kasama rin namin si Hachiko na kandong ko. Baby pa lang siya kaya magaan lang.

"Do you know why I like this movie, huh?" Bigla na lang na tanong niya saka umiling lang din ako.

"Kasi may meaning. What I mean is may mga scene sa movie na nangyayari sa totoong buhay. Gaya ng nangyari kay Maleficent, na-take advantage siya. 'Yung pagtanggal sa pakpak niya ay metaphorical sa mga nangyayaring rape sa mga kababaihan. The next one is 'yung about kay Stephen, he betrayed Maleficent just because he wanted to be a king. Madalas nangyayari ito sa totoong buhay—taking advantage of someone and cheating."

"Wow. I'm impressed." Ang alam ko ay magandang palabas lang ang Maleficent pero hindi ko alam na may mga ganito pa lang meaning. O baka hindi lang talaga ako aware sa mga pinapanood ko.

"Me too. Noong unang beses na napanood ko ito parang okay maganda ang movie tapos noong second time ay saka ko na-realize 'yung mga scene. May mga movie talaga na kapag inulit-ulit mo ay nagkakaroon ng meaning tapos may ilan din na mari-realize mo na ay pangit pala 'yung ganon. I think 'yung director din ata 'yung nagsabi about doon sa rape thing."

"Example nga." Turan ko saka mas lalong sumandal sa kanya.

"Example, 'yung 50 Shades na gustong-gusto ng mga kabataan. Hindi naman siya maganda pero pinapanood lang nga karamihan dahil sa mga nude scenes. Dahil sa mga ganoong movie kaya mostly kasi niro-romanticise ng ilan ang toxic relationship. Akala nila sweet ang gano'n pero hindi naman pala. Ang daming movies na sobrang toxic pero para sa karamihan ay romantic. Kaya ayaw ko sa mga lovestory na palabas kasi ang cringe minsan, buti pa 'yung WALL-E, may sense. To be honest, mas gusto kong manood na lang ng porn kaysa manood ng mga palabas na puro sex scene naman ang laman kasi atleast sa porn alam mong gano'n talaga 'yon."

Ayoko talagang makipag-debate sa isang ito dahil masyadong seryoso sa buhay.

"Speaking of porn, nanonood ka pa rin ba hanggang ngayon?" I know nanonood siya noon kasi nahuli ko siya minsan pero noong hindi pa kami.

"No. I promise, kahit tignan mo pa ang mga history ko sa phone. Wala rin akong tinatagong videos d'yan."

"Why?"

"What do you mean why? Bakit hindi na ako nanonood? Hindi ko rin alam. Siguro one of these days ay manonood na rin ako." Hindi ko alam nagbibiro ba siya o ano.

"Do you also masturbate because of me?" Shameless na tanong ko kasi wala naman akong maisip na topic plus I think normal naman ang ganitong conversation basta huwag lang sa mga minors. Trenta na kami kaya hindi na namin need ng parental consent sa mga bagay na ganito.

"Sometimes."

"Then why don't you want to do it with me?"

"Dahil ayokong isipin mo at ng ibang tao na 'yun lang ang habol ko sa'yo. Siguro lame excuse 'yon pero sa tingin ko hindi pa ito ang time. Huwag mo rin sanang isipin na hindi ka kaakit-akit dahil lang doon. Let's take our time, okay? I love you." Nagbigay pa siya ng halik sa may sentido ko at muli akong yinakap.

"I love you too at dahil love mo ako ay dapat i-massage mo rin ako."

"Sure pero after ng movie at pagkatapos ay susunduin na natin si Shin dahil mamaya ay labasan na nila." Minsan talaga ay mas concern siya kaysa sa akin pagdating kay Shin. I find it sweet though.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon