4

511 32 2
                                    

SAMANTHA

Maaga akong nagising dahil naisipan kong tumulong sa pagluluto at paghahanda mamaya. Hanggang ngayon namamangha talaga ako sa lawak ng lupain nila. Itong bahay nila halatang ni-renovate at naglagay sila ng bahay para sa mga workers tapos may half-court pa akong nakita para sa paglalaro ng basketball.

"Good morning." Bati ko kay Mae na naabutan kong nagkakape. Nakwento niya na HRM student pala siya kaya siya ang tagaluto nila.

"Good morning ate, kape po. Ang aga niyo po nagising."

"Nasanay na 'tsaka gusto kong tumulong sa pagluluto. Ano ba ang usual breakfast niyo?" Saad ko rin habang nagtitimpla ng kape.

" 'Yung karaniwang breakfast ng pinoy po. Kain, itlog, hotdog, pritong isda o hindi kaya tuyo na paborito ni Justine. Kanina pa 'yon gising, baka nagja-jogging pa kasama 'yung mga aso o hindi kaya naglalaro na ng basketball." Pagbibigay alam kaya nagdesisyon ako na ako na lang ang gagawa ng fried rice.

Habang nagluluto ay nagkwe-kwentuhan din kami. Nasabi niya na since first year college pa lang ay nandito na siya at naging tagalinis.

"Alam niyo po hanga ako sa pamilya Alfonso kasi ang babait nila. Hindi sila naging madamot at kuripot sa amin. Kapag nga po anihan ay may natatanggap din po kaming allowance. Nagpapasalamat ako dahil napunta ako rito at malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. Akala ko nga noong unang ay spoiled brat si Justine kasi nag-aral sa ibang bansa pero noong nakaharap namin ay hindi naman pala. Meron siyang binigay na pasalubong para sa amin noong dumating siya tapos nakipagkwentuhan pa." Mula sa kwento niya ay masasabi kong mababait nga sila. Kita ang mga larawan niya na nakalagay sa isang kabinet kanina sa sala. Masasabing achiever siya kasi ang daming trophy at medals.

Alam ko rin na nasa Australia 'yung parents niya dahil nagpapagaling ang papa niya at 'yung kapatid niya naman ay nag-aaral sa isang sikat na unibersidad.

Saktong pagkatapos kong maluto ang fried rice ay bumaba naman si Amari kasama ang anak ko na nagmamadaling yumakap sa akin. Bumati rin ako sa kaibigan ko bago ipinagpatuloy ang paghahalo ng pancake mix. Hindi kasi ako masyadong kumakain ng rice for breakfast at madalas na toast lang sa akin pero si Shin naman ay mahilig sa kanin.

Pagkatapos maihanda ang mga pagkain ay ako na rin ang nag-volunteer para magtawag kina Jasper. Sumama kasi ang anak ko sa kanya kanina. Naabutan ko siyang nakikipaglaro sa mga aso kasama si Justine habang si Jasper naman busy sa pag-shoot ng bola. Tuwang-tuwa ang anak ko sa mga aso at kinukulit pa talaga niya ang mga ito. Gusto niya ang mga animals pero fascinated siya sa mga kangaroo.

"Kakain na tayo." Saad ko pagkalapit sa kanila.

"Go with your mommy Shin. Susunod kami ni Jas."

S'ympre hindi pumayag itong anak ko na sumama sa akin kaya naman naupo muna ako at pinanood sila na tumatakbo kasama ang mga aso. 3 laps lang naman dito sa court at panay tawa lang ang anak ko habang hinahabol niya ang mga aso. Hindi pa nakuntento ang anak ko at talagang sumakay pa siya sa likod ni Justine na nagpu-push-up. Nagwo-workout din naman ako pero kasing hard ng mga exercise niya.

"Nakahanap na talaga ang anak mo ng bagong playmate. Mukhang hindi na ako favorite niya." Sabi ni Jasper paglapit sa akin na nagpupunas ng pawis.

"Ikaw naman ang favorite ninong niya kaya huwang madrama d'yan." Aktingan ba naman kasi ako.

"Hah! I know right, ako lang naman kasi ang ninong niya. Alam mo mauna na tayo dahil mukhang nag-eenjoy pa sila." Sumama na lang ulit ako sa loob at sinabihan ang dalawa na sumunod.

Panigurado kapag umuwi kami hahanap-hanapin nanaman ng Shin si Justine sa akin. Umiiyak ba naman dahil wala siyang kalaro at dapat invite namin siya sa bahay o kaya i-text ko raw. Wala nga kaming number sa isa't-isa pero medyo na-stalk ko ang FB at IG account niya. Medyo lang naman.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon