28

398 23 1
                                    

SAMANTHA

Naka-ilang bote na kami at tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Hindi na nahihiya si Bruce kasi siya ang nagkukwento ngayon tungkol sa work niya. Wala akong maintindihan sa programming na sinasabi niya kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa beer na hawak ko.

"Hinay-hinay lang, hindi ka mauubusan." Bulong ni Justine na katabi ko ngayon. Uminom din siya kaso isang boteng beer lang.

"You'll take care of me naman kapag nalasing ako at hindi kaya nakakalasing itong beer." Turan ko naman saka sumandal sa balikat niya.

"Nah. Kapag ikaw nalasing at basta na lang nakatulog dito ay hahayaan ka lang namin."

"That won't happen. Hindi mo ako matitiis at kung mangyari man 'yon ay baka sasamahan mo akong matulog dito sa labas." Confident na sabi ko saka pinaglaruan ang mga buhok niya sa binti. Mabuhok siyang tao kaya minsan trip na trip kong paglaruan ang mga buhok niya.

"Masakit. Ang hilig mong paglaruan ang mga buhok ko sa katawan." Saad niya nang bumunot ako ng isang buhok mula sa binti niya.

Tama naman siya kasi pati kilay niya minsan pinapakialaman ko. Gusto ko ngang ahitan kaso ayaw niya. As in pagkasabi ko pa lang ay umiling na siya agad. Nakakainggit 'yung kilay niya.

"Mabuhok ka kasi. I wonder kung anong part pa ng katawan mo ang mabuhok." Okay. This not me, it's definitely the beer in my system talking. How bold am I right now at nagagawa kong magsalita ng ganito sa kanya.

"Sa kili-kili. Mabuhok din ang kili-kili ko, happy na? Tipsy Samantha is too much to handle. Makinig ka muna sa kwento nila. Hindi pala nakakalasing ang beer, nakaka-tipsy lang."

Hindi na niya ako kinibo pero hinayaan niya naman ako sa ginagawa sa kanyang binti. Sanay na sanay ata ito sa lamig kasi siya lang ang naka-shorts sa amin at shirt lang sa amin.

"Dian, bakit nanaman ang sama ng tingin mo kay Bruce? Nagkukwento lang naman siya tapos kanina pa masama ang tingin mo sa kanya." Sita ni Jasper sa kaibigan namin na ewan.

"Ang tagal niya magkwento. Dapat turn ko na kasi halos 30 minutes na siyang nagsasalita." Para talagang ewan jusko. Bakulaw na isip bata, mabuti na lang maganda.

"Ahhhm... Sige, turn mo na." Mahinang sabi naman ni Bruce. Nagseselos lang ata itong si Dian kasi tungkol sa ex ni Bruce ang kinukwento niya kanina.

Puro kalokohan lang naman ang kwento niya kaya nag-excuse na lang ako sa kanila at sumama naman itong si Justine dahil baka raw matapilok ako o ano.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? 'Tsaka saan mo nanaman balak pumunta?"

"Shhh. Ang ingay mo. C'mon, sit beside me." Turo ko sa tabi ko at umupo naman siya agad. Isinuot ko na rin ang bigay niyang sweater. It's really comfy and warm.

"Sing for me, please." Pagpapabebe ko dahil wala kaming magawa ngayon.

"You're such a baby. Dapat ako ang kantahan mo kasi ikaw itong pinagpala ng magandang boses."

"Okay. Let me think muna kung anong bagay na kanta sa'yo."

No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word

’Cause there’s something in the way you look at me
It’s as if my heart knows you’re the missing piece
You make me believe that there’s nothing in this world I can’t be
I’d never know what you see
But there’s something in the way you look at me

ChancesWhere stories live. Discover now