5

490 30 1
                                    

JUSTINE

Tapos na kaming kumain ng pananghalian kaya nagbi-beer muna kami ngayon. Isang beer lang ang sa akin kasi may batang nakakandong, as in ayaw niyang mahiwalay kahit sabihin kong saglit lang naman. Ayaw niya rin sumama sa mommy niya o kay Amari dahil gusto niya sa akin lang daw.

"Why do you like me so much huh?" Tanong ko sa batang pinagdidiskitahan na ang buhok ko.

"Because you're my new playmate. Ninong Jasper, Ninang Am, Lala, Lolo, Mommy and you. I have playmates in school but we don't have school now because mommy said it's vacation time. I don't like Ninong Jasper sometimes because he's bullying me but I like him also when he buys me chocolates and gummy bears." Nag-pout pa siya saka tumingin kay Jasper na natatawa sa tabi namin.

"I'm not bullying you, you're just a crybaby. Who's your favorite now, me or Justine?"

"You're my favorite ninong but Jay-jay is my favorite playmate because she doesn't bully me." Umakto tuloy si Jasper na parang nasaktan sa sinabi ng bata. 

"I won't buy you treats anymore. I thought I am your best playmate ever?" Madramang sabi ni Jasper na may pa hawak pa sa bandang dibdib niya.

"You're my best ninong ever and you know that."

"Sige na nga kahit ako lang naman talaga ninong mo. Pasalamat ka talaga at ikaw din ang favorite kong inaanak." Inubos niya ang iniinom na beer saka lumusong sa tubig.

Kami naman ay nag-stay muna rito sa cottage dahil tinatamad pa akong tumayo. Pinanonood lang namin 'yung mga bata na nagtatalunan sa tubig at mga matatanda na naghihilod sa may gilid. Actually may hot spring doon sa may taas ng talon at karamihan ng pumupunta ay mga mag-irog. Minsan nga pagtaas ko ay may nakita akong naghahalikan doon. Weird pero hindi ko na lang sila pinansin. 

"Do you want to go up? There's a hot spring there, we can go if you want." Natuwa naman siya sa sinabi ko kaya agad ito na tumango. Muli ko siyang binuhat dahil mukhang hindi naman niya kakayanin umakyat pataas.

May ilan na kaming nadatnan pagkarating sa taas at napansin kong medyo gumanda itong lugar.

"I'll scrub your back, Jay-jay." Turan ng bata pagkalubog pa lang namin. Ready na nga siya dahil hawak na siyang panghilod. Pwede namang magtanggal ng libag dito dahil hindi stagnant ang tubig at 'yung tubig dito ay ibang direksyon ang tinatahak kaya hindi siya deretso sa baba kung saan naliligo 'yung iba.

"Are you sure? I mean, do you know how to scrub?"

"Yes. I scrub mommy's back and she will do the same. She likes it when I scrub her back but I don't like it because it tickles." Ayaw niya talagang paawat kaya nagtanggal na ako ng sando saka tumalikod sa kanya. I'm pretty confident about my body and I'm wearing a sports bra so it's fine.

"Oh! You got a drawing in your back."

"That's what they call a tattoo. Is it pretty?" 'Yung tinutukoy niya ay ang maliit na pakpak na ipina-tattoo ko sa may bandang likod.

"It is. Mommy also had one in her back. She has a butterfly and also beautiful like yours."

Nakikinig lang ako sa mga kwento niya habang hinihilod niya ang likod ko. Ang daldal niya, 'yung tipong pati mga kaklase niya ay nakwe-kwento na niya sa akin pero madalas ay mga moment nila ng mommy niya. Nalaman ko kay Jasper na wala pala itong daddy, hindi ko na tinanong kung anong nangyari basta ang alam ko dalawa lang sila ng mommy niya.

"Mommy!" Nagulat pa ako sa sigaw niya kaya lumingon ako saka nakita na nandito nga si Samantha. Medyo hinihingal pa siya.

"Don't be so loud, baby. Tama nga sila, may hot spring pa pala rito." Sinisipat pa niya ang paligid pati na rin ang ibang mga kasama namin.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon