14

394 23 1
                                    


JUSTINE

Masaya ang naging araw ko ngayon dahil unang-una ay birthday ko. Naging successful ang event na sinalihan namin tapos nandito rin sina Jasper at kasama ko silang nagse-celebrate pati na rin ang mga kaibigan ko rito. Medyo malungkot lang dahil wala sina Mama ngayon pero tumawag naman sila kanina at bumati sa akin.

Medyo maraming nangyari kaninang umaga pero isa sa mga paborito ay 'yung nagkaroon kami ng casual conversation ni Samantha. Isa pang nakakatuwang pangyayari ay noong inaya ko siya sa isang friendly date tapos pumayag siya. Alam kong nagbibiro siya sa strict ang parents niya pero kay Shin na lang muna siguro ako magpapaalam. Highlight pa ngayong araw 'yung pagkanta niya kanina. Total package na talaga ang isang Samantha. Nakita ko rin na suot nila 'yung binigay kong regalo noong birthday niya.

"Wow! Nice shirt you have there. Are you excited?" Tanong ko sa bata na masiglang naglalakad patungo sa akin. Nakasuot siya ngayon ng cute shirt at may mga cartoon designs pa.

Lampas alas-siete na kaya hinihintay ko na lang silang magbihis para makaalis na kami. Nauna na sina Bruce, Dian at Amari, hindi kasama si Jasper kasi maparami ang inom niya kaya matutulog na lang daw siya.

"Yeeeesss!" Masiglang sagot naman ni Shin sa akin.

Makalipas ang ilang minutong kulitan namin ni Shin ay nandito na rin ang mommy niya. Naka-casual attire lang din siya, shirt and jeans tapos flats. She still looks gorgeous, to be honest. Napansin ko rin na nagdala siya ng sweater para sa kanilang dalawa.

Habang nasa biyahe ay aliw na aliw naman na kumakanta sa likod si Shin. Mana ata ang isang ito sa nanay dahil may future sa pagiging singer. Hindi rin siya nagsasawa sa Do You Wanna Build A Snowman at Let It Go na kanta.

"Ooohh! Mommy! There's a Ferris Wheel and there are many rides here!" Hyper na sabi ng bata pagdating na pagdating namin.

"I know, baby. Let's first find where the others are." Hanggang ngayon namamangha talaga ako sa kung paano siya magsalita kay Shin. Madalas soft-spoken siya pero minsan firm din ang boses niya kapag nagiging makulit na itong bata.
Kung sino man 'yung nang-iwan dito sa mag-inang ito ay sobrang tanga lang niya.

Para hindi na matagalan ang paghahanap ay tinawagan na rin niya ang isa sa mga kaibigan niya at nasa loob na pala sila ng gym. Hanggang dito sa kinatatayuan namin ay rinig na rinig ang hiyawan at malakas na musika hudyat na nagsimula na ang pageant.

"Crowded daw sa loob kaya palabas na rin sila." Pagbibigay alam niya sa akin.

________

Humiwalay 'yung iba at kasama ko ngayon si Bruce na naglalaro sa mga kulay. Tatayaan mo lang 'yung lalabas na kulay at mananalo ka na, naka-200 na nga ako na panalo. Si Bruce tiba-tiba dahil lampas limang daan na ang napanalunan niya. Mukhang laking perya ang isang 'to.

"Lipat tayo ng laro, medyo boring na." Bulong niya sa akin kaya hindi na kami tumaya.

"Try natin sa mga shooting game, marunong ka naman siguro?"

"Marunong lang pero hindi naman sharp shooter. Ano pala ang work mo?" Curious ako dahil hanggang ngayon pangalan lang ata ang alam ko sa kanya.

"I'm a programmer. Hindi halata 'no?" Tumango ako dahil wala talaga sa itsura niya kumuha ng mga computer courses.

"Maging ako hindi rin makapaniwala sa natapos ko. Ang totoo basta ko na lang kinuha ang kurso ko tapos nabigla na lang ako dahil noong first year kami talagang sumakit ang ulo ko sa mga codes na 'yan. Hindi naman ako mahilig sa mga anik-anik tungkol sa computer. Akala ko nga magiging professional athlete ako kasi pagte-taekwondo lang ang iniisip ko noon."

ChancesWhere stories live. Discover now