20

441 25 3
                                    

SAMANTHA

"Mommy!" Sigaw agad ng anak ko pagkakita sa akin.

"How's your day? Did you have fun? I have a surprise for you." Nagkaroon muna kami ng yakapan bago ko siya binuhat papuntang kotse.

"We did coloring again and teacher read us a story. Dance class is a little hard but I'm doing good." Natutuwang paliwanag niya. May dance class siya kasi may offer ang school niya ng mga extra classes like music class, dance class at iba't-ibang activities para ma-enhance ang skills ng mga bata. Gusto ni Shin sa dance class kaya pinagbigyan ko na.

"Jay-jay!" Gulat na sabi niya pagkakita sa taong nakaupo sa driver's seat.

"Hello there bunny."

"Na uh, mamaya na lang kayo mag-chikahan kasi gutom na ako." Pang-eepal ko sa reunion scenario  nila.

"Okay po Mahal na Reyna. May alam akong masarap na Japanese at Korean restaurant, gusto niyo ba?" Mabilis akong tumango dahil gusto ko talaga ng ibang putahe ngayon. Hindi ko na lang din pinansin ang tinawag niya sa akin.

It really feels like we're together, just me, Justine and my daughter. I hope it's easy like that but of course it's not, it doesn't work that way. We never actually talk about what's happening between us, what's her intention and all. I'm not assuming but it's clear that she has a thing on me and I quite like her.

_________

Sana pala sa bahay na lang kami kumain kung gusto lang din naman pala nila ng Yakiniku. May ibang pagkain na pagpipilian pero itong anak ko nawili sa mga grill na nasa table at gustong subukan. S'ympre gentlewoman naman itong kasama namin kaya siya ang nagluluto habang taga kain lang kami. Ang dami pa niyang in-order na mga side dish at napaaga ang dinner namin ngayon dahil quarter to six pa lamang.

"Baby, hayaan mong kumain din muna si Justine." Saway ko sa anak kong tuwang-tuwa na sinusubuan siya ni Justine gamit ang chopsticks. Gustong-gusto niya talagang pina-pamper siya.

"Nah, I'm fine. Here, have some meat. Don't be so grumpy." Saka niya nilagyan ang plato ko ng maraming karne.

"Open your mouth Jay-jay, I'll feed you." Wow, ako pa pala ang third wheel sa date na ito.

Hindi pa sila nakuntento dahil pagkatapos ng dinner ay nag-aya ang anak ko na mag-mall. Ayaw kong maging kontrabida kaya pumayag na lang ako. Nag-eenjoy din naman ako kahit pinanonood ko lang sila. Ngayon nga lang kami nag-mall ni Shin kahit gabi na at naka-uniform pa siya. Panay na rin ang chat ni Amari sa akin dahil nakita na niya 'yung mga story ko na kasama ang anak ko at si Justine. Makiki-chika nanaman 'yon.

"You're not tired yet, baby?" Tanong ko sa batang pinupunasan ko ang likod dahil kanina pa kami rito sa Kid's Zone. Halos lahat na nga nasubukan na niya pero hindi pa rin siya pagod.

"I'm so happy mommy. We should do this again." Maligalig na turan niya.

"Of course, baby. Go play some more and then we can go home later." She's having fun so I just let her.

"Stop staring at me." Wika ko sa taong kanina pa nakatingin sa akin.

"I'm not staring, I'm admiring you, there's a difference. You're really a great mom and I'm not saying these things to make you kilig or to flirt." Ito nanaman siya sa mga linyahan niya.

"Sobra ka naman magbigay ng compliment. I'm really not a great mom but I'm trying my best to be a good mom." Talagang dito pa palaruan ng mga kami nag-uusap tungkol sa pagiging mommy ko.

"And you're doing just fine, believe me. Maiba tayo, tignan mo nga itong mga pinagcha-chat ni Amari sa akin."

Matapos kong mabasa ang mga sinabi ni Amari ay gusto ko siyang pektusan bukas. May mga pa-heart emoji pa siyang nalalaman. Ayon sa kanya para kaming family na nagba-bonding. Tapos ang dami-dami pa niyang sinasabi. Binebenta na ata ako ng mga kaibigan ko.

ChancesKde žijí příběhy. Začni objevovat