23

378 22 0
                                    

SAMANTHA

Maagang kumatok sa kwarto ko si Shin kanina dahil ngayon ang moving up ceremony nila kaya naman excited siya. Nandito rin sina Dad dahil magse-celebrate kami pagkatapos ng ceremony. Maraming award kasi na nakuha ang anak ko and I'm so proud of her.

"Pupunta ba si Justine mamaya?" Tanong ni Dad na nagkakape ngayon.

"Hindi ko alam Dad. Busy siya ngayong week kasi harvest nila." Huling kita namin ay noong nagpunta pa kami sa bahay, noong isang buwan pa 'yon.

"Oo nga pala, mango season ngayon. Dito ba tayo maghahanda o sa labas na lang?"

"Dito na lang daw sabi ni Mom. Pupunta rin mamaya sina Jasper kaya mas mabuting dito na lang. Magpapaiwan si Mom para siya na lang daw ang bahala magluto." Hindi magpapaiwan itong tatay ko dahil gusto niyang makita si Shin umakyat sa stage at siya rin ang magiging photographer naman ngayong araw.

"Mommy, I'm ready na po." Sabi naman ng anak kong kakababa rin lang kasama si Mom.

She's wearing her favorite shirt together with a pair of jeans and her favorite sneakers. She have the same pair with Justine so it became her favorite shoes now. My Mom braided her hair and she looks adorable right now. She doesn't her wear dress now because according to her it's uncomfortable when playing. It's fine because they have a performance later and her dress is already in the car.

"Yehey! C'mon, let's take a photo together." Magiliw na sabi ni Dad, 'yung tipong mas excited pa siya kaysa sa apo niya.

Nakipag-picture muna ako sa kanila saglit bago nagtungo sa kwarto para makapagbihis na rin. Itinerno ko na lang din ang suot ko sa suot ni Shin dahil gusto niyang lagi kaming match ng outfit. Nang makapagbihis ako ay tinignan ko kung may text si Justine kaso wala kaya tinext ko siya ng goodmorning.

________

Marami na ang tao pagdating namin dito sa school. Dumeretso kami kung saan ang pwesto nila Shin at dumeretso siya sa mga kaibigan niya. Lumapit din sa amin ang teacher nila para magbigay ng ribbon at corsage para kay Shin. Sinabi rin niya sa amin na may intermission number 'yung mga bata mamaya sa opening program kaya dapat standby lang kami.

"Mommy, why is Jay-jay not coming?" Malungkot na turan ng anak ko habang hinihintay namin na magsisimula ang programa. Kanina pa niya hinahanap si Justine.

"She's busy, baby. Don't worry, we will take a video of you so she can still watch. Pupunta rin sina Ninang Amari mo mamaya sa bahay kaya smile ka na." Matamlay lang siyang ngumiti at yumakap sa akin.

Nagsimula na ang programa at maya-maya lamang ay magpe-perform na ang mga bata kaya sinabihan na sila ng kanilang teacher. Si Dad naman kinarir ang pagiging photographer kaya nasa may bandang gilid siya na kumukuha ng picture. Nakikita kong kumakaway sa akin ang anak ko kaya kumaway din ako pabalik. Kailan lang noong in-enrol ko siya rito tapos sa mga susunod na buwan ay papasok na siya bilang grade one.

Maya-maya pa ay biglang naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone mula sa bag kaya agad akong tinignan kung sino.

Justine calling.....

Hindi ko sinagot ang tawag niya kasi maingay kaya nag-send ako ng message at tinanong kung bakit siya napatawag.

Saan kayo banda?

Pagkabasa ko sa text niya agad kong iginala ang paningin ko para hanapin siya. Mabilis ko siyang nahanap dahil sa suot niyang cap kaya tumayo agad ako para puntahan siya.

"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala." Sabi ko nang makalapit sa kinaroroonan niya.

"I know, hindi ko rin naman kasi alam na makakaabot pa pala ako. Nag-deliver pa kasi kami kahapon at inabot na kami ng gabi kaya kaninang madaling-araw na ako bumiyahe. Anyway, ang ganda mo." Paliwanag niya at s'ympre kinilig ako nang slight sa huling sinabi niya.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon