22

419 27 1
                                    

SAMANTHA

Hapon na nang makarating kami rito sa bahay at unang sumalubong sa amin ang mga aso kasunod nila Mom. Nag-insist kasi sina Amari at Jasper na sa kanila na lang kami magtanghalian kaya naman late na kami nakarating.

"Lola! Lolo!" Nagsisisigaw na sambit ni Shin at tumakbo agad patungo sa kanila.

"Are you nervous?" Tumango naman si Justine pero ngumiti pa rin.

She's wearing a cap, plain gray shirt and a jeans. Naka-casual shoes siya ngayon at hindi naka-Birkenstock. Sabi niya para mas maging presentable siya pagharap sa parents ko.

"Magandang hapon po Mr. and Mrs. Rodrigo. Ako nga po pala si Justine. Ang ganda po ng bahay niyo."

"Salamat at magandang hapon din sa inyo. Tara, pasok muna tayo." Wika naman ni Mom sabay pasimpleng siko kay Dad dahil nakatingin lang siya sa kasama namin.

Tinulungan ko si Mom sa paghahanda ng meryenda habang naiwan 'yung tatlo sa sala.

"She's nice and respectful. Mukhang kinakabahan siya sa Dad mo." Bigla-biglang sabi ni Mom. Dahil sa sinabi niya ay sinilip ko naman sila sa may sala at ang stiff nga ni Justine.

"Baka nai-intimidate kay Dad, alam niyo naman po 'yon." Balik na sabi ko at nagtungo sa kanila para dalhin ang meryenda na hinanda namin.

Rinig kong ine-explain ni Dad ang bawat detalye nitong bahay at nakikinig naman si Justine habang nakikipaglaro si Shin sa mga aso. Tatabi na sana ako Justine kaso nakita kong sumenyas si Dad na sa tabi na lang niya ako umupo. Itong si Dad kung makaasta para bang 18 years pa lang ako at unang beses maligawan.

"Jay-jay! Come here, I'll show you my treehouse. Lolo made it for me because he's good at building houses." Nagmamadaling hinila ng anak ko si Justine. Hindi pa sana siya magpapahila pero tumango si Dad kaya sumama rin.

"So far, she's making a good impression. Although, she's a bit nervous. I'm impressed because she knows about engineering stuff." Komento ni Dad pag-alis nung dalawa.

Sa hilig ba naman kasi ni Justine na magbasa at manood ng tungkol sa mga engineering things plus may friend siyang architect kaya familiar siya sa mga term. May general knowledge siya sa halos lahat ng bagay kaya hanga rin ako sa kanya. She likes learning new things.

"I'm glad to know. Pwede mo rin siyang kausapin tungkol sa business and sports." Isang football fanatic itong tatay ko. As in sobrang fan na fan at kapag nanonood siya ay puro tungkol sa football.

Nagagalit siya kapag nililipat namin ang channel kapag nanonood siya pero kapag si Shin ay siya pa mismo ang naglilipat ng channel para sa apo niya.

"Aayain ko siyang maglaro ng Chess, kapag natalo niya ako aprub na siya sa akin. Huwag mong sasabihin sa Mom mo." Itong si Dad akala mo talaga chess master kung makapag-aya ng laro.

"Bahala ka, huwag mo lang siyang ayain uminom. Umiinom siya pero mga isang baso hanggang tatlong baso lang pero baka hindi niya kayo matanggihan kapag inaya niyo siya. Bawal ka na rin sa alak please lang Dad walang usapang alak mamaya." May pagkasiga kasi siya kapag may bisita kami kaya kailangan paalalahanan.

"Really? Hindi siya naglalasing?"

"Malay ko. Sabi niya umiinom siya pero hanggang tatlong baso lang at hindi ko pa naman siya nakitang lasing." Hindi pa naman siya nagda-drunk text o call sa akin.

"That's good."

_____________

JUSTINE

May isang oras na ang nakalipas simula noong dumating kami rito sa bahay ng magulang ni Samantha pero kinakabahan pa rin ako. Kanina habang kausap ko ang Dad niya ay para akong maiihi pero mabuti na lang at nagawa kong makipag-usap nang maayos sa kanya. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, 'yung Mom ni Samantha ay hindi gaanong masalita pero ngumingiti siya minsan. Para bang pinapahiwatig niya na huwag akong kabahan.

ChancesWhere stories live. Discover now