42

346 18 0
                                    

JUSTINE

Nandito kami sa bahay ni Dian at habang nag-uusap 'yung dalawa ay kasama ko naman itong si Bruce na naglalaro. Siya talaga ang nag-influence sa akin na kumuha ng playstation para naman daw may libangan din ako. Nabanggit na niya sa akin kanina ang plano nila na pangingibang bansa at 'yung rason kung bakit nila napagdesisyunan ito.

"Habang nalalapit ang due date ni Dian ay mas lalo naman akong kinakabahan. Para bang ang bilis-bilis ng mga pangyayari tapos ngayon magkaka-baby na kami. Kinakabahan ako kasi baka babae talaga ang baby naman pero same condition siya gaya ko. Isa pa ay baka hindi ko magampanan nang maayos ang obligasyon ko sa kanilang dalawa. Grabe, ang emotional ko na masyado."

"That's fine, I won't judge what you're feeling right now. You'll be a good partner and parent, I know that. Also, please get some sleep." She's really one of the good people I know.

"Thanks. Medyo kulang lang ako sa tulog dahil may ni-rush akong program kagabi at ayaw naman din magpatulog ni Dian dahil gusto niya na hinahaplos ko ang kanyang t'yan. I swear, pregnant Dian is difficult to handle. Ikaw, anong plano niyo?"

"Wala pa naman sa ngayon. Kung tungkol naman sa proposal ay wala rin akong plano kasi may mga panggulo pa sa ngayon. Medyo mahirap 'yung nagpapabalik-balik ako rito para lang makasama sila pero nasa farm naman kasi ang buhay at trabaho ko. Balak kong bumili pa ng property dito dahil baka magagamit din namin if ever man planuhin na namin ang pagkakaroon ng pamilya." Sabi nila bawal daw i-share ang mga plano mo sa buhay pero hindi naman sinabing masama mag-share ng plano.

"Ibang klase naman talaga ang planning skills mo, idol. Grabe, hands down na talaga ako sa'yo. Ikaw talaga ang magandang halimbawa ng responsableng tao. Isipin mo well-established ka na at may stable na work pero pinag-iisipan at pinagplanuhan mo pa rin 'yung mga desisyon mo sa buhay." Nagawa pa niyang pumalakpak para sa akin.

"Planned or unplanned, pareho namang may patutunguhan. Siguro nasa edad din 'yan, habang tumatanda ay mas nagiging mapanuri na sa mga desisyon sa buhay." Pakiramdam ko ngayon ay para akong nakakatandang kapatid na nagbibigay ng payo sa isang kapatid.

"Pero mas gusto mo ng planado, 'di ba?"

"Yeah. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na mahilig sa salitang "bahala na". Praktikal akong tao at dapat naman talaga nagpa-plano tayo sa kahit saang aspeto ng buhay at tigilan ang mindset na go with the flow. Hindi ito word of advice, opinion ko lang ito." Sabi ko pero natawa lang siya.

Ayaw ko talaga sa mga words of wisdom or advice. Ang sa akin ay dapat maging rational tayo at responsableng nilalang. Dapat kapag may mga desisyon ay pinag-iisipan natin para wala tayong sinisisi kapag pumalpak man ito.

"Ang weird mo rin eh. Weird pero in a good way naman."

"Mas weird pa rin ang name mo, Bruce Wayne."

"Astig kaya. Clark Kent nga sana ang gusto kong name ng magiging baby namin kaso Marvel fan si Dian kaya baka pangalanan niyang Groot 'yung baby. Groot? Cute naman pero pang aso 'yon eh."

"Ewan ko sa inyo, pati ba name ng baby niyo ay pag-aawayan niyo pa."

_________

Kanina pa kami nakauwi pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Samantha. Si Shin naman ay ginagawa ang kanyang assignment at ako na ang nag-presintang magluto ulit. Hindi ko alam kung bakit mukhang bad mood si Samantha.

"What's wrong, love?" Tanong ko nang bigla na lang siyang yumakap sa likod ko at mukhang umiiyak kasi medyo rinig ko ang pagsinghot niya. Hinarap ko siya saka tinignan at umiiyak na nga siya.

"It was Andrew who sent the video. I don't know how he had a copy but I'm thinking that it has something to do with Marco. I told Dad about this already and he talked to one of his colleagues to see if I can file a case. I am so disappointed right now and I wanted to punch Andrew's face."

ChancesWhere stories live. Discover now