6

466 28 0
                                    

Gaya ng nakasanayan ay maagang nagising si Justine at sinimulan ang morning routine kasama ang mga aso. Excited siya ngayong araw dahil pupunta sila mamaya sa track para mag-practice ng motocross sa darating nilang pyesta. Sporty type siya na tao kaya marami siyang alam na laro mapa-ball games man 'yan, racket games, swimming at pati na rin martial arts ay nasubukan na niya.

"Good morning, you woke up early." Wika niya sa batang palapit sa kanyang pwesto habang nagdi-dribble ng bola.

"Goodmorning too, Jay-jay. You're strong and you have muscles." Natawa lang siya saka lumapit sa kinaroroonan ng bata.

"You have muscles too but they're not fully developed yet. It's just that I like to workout and boom, they popped out." Nagawa pa niyang i-flex ang muscles niya na ikinangiti ng bata.

"Then maybe you can protect me from bullies and bad guys because you are strong." Tumango naman ito sa tinuran ng bata at muling bumalik sa pag-shoot ng bola samantalang ang bata ay nakipaglaro muli sa mga aso.

Masaya si Justine dahil ngayon lang ulit nagkaroon ng bata rito sa farm nila dahil 'yung mga anak ng pinsan niya ay nasa malalayong lugar kaya minsan siya na lang ang dumadayo para mabisita ang mga ito. Paniguradong matutuwa ang mga magulang niya kapag nakilala si Shin dahil malapit sila sa mga bata. Sa katunayan ay nagdo-donate sila sa mga schools at shelter na malapit sa kanila.

Matapos ang ehersisyo at agahan ay nakipaglaro pa siya saglit sa bata bago inihanda ang gagamitin niyang motor mamaya. Mga tatlong buwan din siyang hindi nakapunta sa track kaya tatlong buwan din tengga ang motor niya pero lagi naman niyang kinokondisyon.

"Sunod kami mamaya, panonoorin ka namin." Sambit ni Amari mula sa kanyang likuran at kanya naman itong hinarap.

"Huwag na. Alam mo namang maalikabok at tignan mo naman ang araw, tirik na tirik. Dito na lang kayo o hindi kaya ipasyal mo sila." Wala naman kasi silang gagawain doon at walang interesting na bagay doon pwera na lang kung motocross enthusiast sila pero hindi naman.

"Dapat ikaw gumawa dahil mas kabisado mo ang mga lugar dito. Ah basta panonoorin ka naman. Siguradong matutuwa si Shin kapag nakita ka habang nasa ere." Naiiling na lang ang isa sa sinabi ng kaibigan saka nagtungo sa kwarto para makapagpalit na.

_______

Agad siyang binati ng mga kasamahan pagkarating niya sa track. Nasa sampo sila ngayon, may  18 years old silang kasama at ang pinakamatanda sa kanila ay 35 years old. Mostly mga lalake ang nandito pero may mga babae rin namang intresado sa motocross na kasama nila ngayon.

"Tagal mo rin hindi nakapunta rito. Iba talaga kapag maraming business eh." Sabi ng isa sa mga kasama nila.

"Sus. Mas marami ka pa rin babae kaysa sa mga negosyo ko." Pang-aasar naman niya rito na kinatawa ng iba nilang kasama. Naglagay na rin siya ng mga protective gears niya dahil sasalang na siya maya-maya lang.

"Nako, sinabi mo pa Justine. Kapag may naliligaw na chix dito panay ang pakitang gilas niyan. Buti na lang talaga walang lawit 'yan dahil kung hindi ay baka madami na 'yan nalahian." Segunda ng isa pa nilang kasama na ikinatawa lang ng isa. Nagbibiro lang naman sila pero sa totoo lang hindi nila tino-tolerate ang mga ganoong bagay.

"Bahala kayo muna kayo rito. Warm-up lang muna ako." Turan niya sa mga kasama saka sumibad.

Muli niyang pinakiramdaman ang daan, kurba, saka mga mumunting burol. Sabik siya na maramdaman ulit ang excitement at thrill habang nasa ere kaya habang iniikot ang track ay nakangiti lang siya mula sa loob ng kanyang helmet. Para sa kanya may dalang excitement ang pagmo-motocross lalo kapag nasa ere na siya.

______

Sa kabilang banda naman ay bored na ang bata na nakikipaglaro sa mga aso at ngayon ay nagpupumilit na pumunta sa kinaroroonan ni Justine.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon