37

367 21 8
                                    

Sa paglipas ng araw at buwan ay mas nagiging matatag ang relasyon ng dalawa. Madalas ay lumuluwas si Justine para makasama ang mag-ina at minsan naman ay sina Samantha ang pumupunta sa farm para bumisita.

Sa pagdaan din ng mga araw ay lalong naging madalas ang pagbisita ni Andrew sa restaurant na pagmamay-ari ni Samantha. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya kay Samantha kaya panay ang pangungulit niya rito. Gaya ng karamihang lalake ay hindi niya matanggap sa sarili niya na sa kaparehong kasarian umibig ang nagugustuhan niya.

"Sige na kasi, Sam. Pambawi mo na rin ito noong hindi ka pumunta sa birthday ko. Dinner lang naman kasama 'yung iba nating batchmates tapos uuwi na." Pagpupumilit na turan ni Andrew sa kausap.

Pang-ilang aya na niya ito pero lagi rin naman siyang tinatanggihan ni Samantha.

"Fine. Gawin mong lunch na lang dahil walang magbabantay kay Shin kapag gabi. Anyway, bakit ka nga nandito ulit? Wala ka bang work?" Medyo naiinis na saad ni Samantha dahil busy siya ngayong araw tapos may kaunting tampuhan pa sila ni Justine. Idagdag pa na unang araw ng dalaw niya ngayon kaya mas lalo siyang naiirita.

"Yes! Sige sige sasabihin kong lunch na lang. Rest day ko ngayon kaya naisip kong pumunta ulit dito." Masayang saad ni Andrew na para bang nanalo sa lotto.

Tumango lang si Samantha bilang tugon dahil wala talaga siya sa mood makipag-usap ngayon at gusto na lang niyang umuwi. Hindi rin naman siya buntis pero nagke-crave siya ng kikiam at fishball sa oras na ito.

"Gusto mong magmeryenda muna? May nagtitinda ng kikiam at fishball malapit dito, my treat." Tanong niya sa kaharap niya dahil ang rude naman kapag hinayaan niya na lang ito.

"Sure! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakain ng mga gano'n. Hanggang ngayon ay mahilig ka pa rin pala sa street foods." Masayang turan ni Andrew bago tumayo.

"Oo naman kaya bilisan mo kasi gutom na ako. Ganitong oras pa man din ay maraming tumatambay doon na mga estudyante."

_______

Gaya ng inaasahan ay kumpulan na ang mga estudyante pagdating nila pero nagawa pa rin nilang makipag-unahan sa pagtusok ng kikiam na bagong luto pa. Kakilala na ni Samantha ng tindero dahil madalas siyang kumain dito mag-isa, minsan kasama 'yung mga crew niya at minsan din ay kasama si Justine at Shin.

"Grabe!, Namiss ko 'yung ganito. Tanda ko pa noong highschool tayo, ganito madalas ang binibili ko kapag break time. Tapos kapag uwian dumadaan din tayo sa pishbolan para magmeryenda." Pahayag ni Andrew nang matapos na silang makakuha ng kanilang pagkain.

"Makulit ka kasi dahil kahit may practice kayo ay nag-i-insist ka pa rin na ihatid ako pauwi tapos pati mga friends ko ay nililibre mo." Tumawa na lang ang dalawa sa tinuran ni Samantha habang inaalala ang nakaraan.

Totoo naman kasi na isa si Andrew sa mga rich kid sa klase nila noon kaya lagi siyang nanlilibre tapos madalas ilaban kapag may money contest. Gustong-gusto rin siya ng mga teachers noon kahit pasaway dahil nakakahingi sila ng donation sa parents niya. May itsura pa siya kaya sikat siya noon sa school.

"S'ympre nagpapa-impress ako sa kanila para magustuhan ako para sa'yo noong panahong 'yon. Worth it naman din kasi naging malapit tayo at nagkaroon tayo ng memories together." Pagtatapat niya habang nakatingin sa mukha ng kasama niya.

Sa katunayan ay masaya siya ngayon dahil pakiramdam niya ay may mini-date silang dalawa. Kahit alam niyang in a relationship na si Samantha ay iba pa rin ang mga tingin na ipinupukol niya rito. May mga araw din na pinagpapantasyahan niya ito.

"Kung makasabi ka naman ng memories d'yan. Anyway, bilisan natin kasi may pupuntahan pa ako."

"Okay pero pwede bang magpicture muna tayo? Wala pa kasi tayong picture together kahit noong reunion." Request niya na tinanguan ng isa kaya agad siyang umakbay dito.

ChancesWhere stories live. Discover now