16

376 27 1
                                    


JUSTINE

"What a coincidence. Ano pala ang nangyari noong naaksidente ka?" 'Yung itsura niya pareho sa anak niya kapag nakikinig din sa akin, medyo nakanganga.

"S'ympre dinala ako sa ospital. Nakailang tahi rin sila sa akin dahil masama 'yung mga tama ko. Nagpapasalamat ako dahil wala akong nadali noong mga panahong 'yon. Puro sermon nga lang ang inabot ko habang nasa ospital." Iyak nang iyak si Mama noong panahong 'yon kahit pinagsasabihan niya ako.

" 'Yang peklat mo sa kilay ay nakuha mo dahil sa aksidente na 'yon?" Panay pa rin ang lagay niya ng wine sa kanyang kopita. Balak pa niyang maglasing.

"Mismo. Pang-matanglawin naman pala 'yang mga mata mo, pati mga peklat ko napapansin mo. Enough with myself, dapat magkwento ka rin." Biro ko pero sa totoo lang nagulat ako dahil napansin niya. Hindi naman kasi gaanong halata pwera na lang kung talagang susuriin.

"Wala akong interesting story. Magtanong ka na lang tapos sasagutin ko, kapag uminom ako ibig sabihin pass 'yon." Ang daming alam talaga.

"Gusto mo lang makainom pero sige papatulan ko na lang itong trip mo. Cat or dog?" Dapat magsimula muna sa mga basic na tanong bago pumunta sa personal questions.

"Both. First pet ko kasi pusa tapos may naging pet din kami na aso, buhay pa sila hanggang ngayon. I can't choose between the two. Anong pipiliin mo, magkaroon ng mabahong hininga o mabahong kili-kili?" Pati tuloy siya natawa sa tanong niya.

"Pipiliin kong maligo at magsipilyo." Who would want to have a bad breath and stinky armpits?

"Ang KJ mo talaga. Kunwari nga isa lang. Mabahong hininga o mabahong kili-kili?" Ulit niya pa sa tanong niya.

"Edi mabahong kili-kili na lang, may deodorant naman. Bakit kasi ganyan ang tanong?" Ang weird pa ng mga tanong.

"Kanya-kanyang trip 'to. Turn mo na."

"Coffee, wine, tea or me?" Smooth talker 101 talaga ako ngayon. Low-key flirting lang.

"Wow naman ang galing sa rhyming pero coffee na lang. Morena or mestiza?"

"Mas naa-attract ako sa mga mestiza pero magaganda rin ang mga morena. 'Yun nga lang may kanya-kanya tayong preference at mestiza para sa akin. Same question para sa'yo."

"Sa itsura, both. Kung pagdating sa gusto kong makarelasyon ay doon ako sa moreno. Do you want to become a politician someday?" Hindi ko ulit ini-expect ang naging tanong niya.

"Hindi. May nag-offer na sa akin na tumakbo bilang sanggunian member at tumanggi ako. Tutulong ako sa paraang alam ko." Nakita ko ang hirap ni Papa noon bilang mayor ng lugar namin at may mga nakaaway siya dahil lang sa politika. Ayaw ko rin talagang pasukin ang pulitika.

"Do you get angry too? What makes you angry?" Sunod-sunod na tanong niya imbis na ako na dapat ang magtatanong sa kanya.

"S'ympre nagagalit din ako pero hindi ako madaling magalit, naiinis siguro o naiirita. Naiinis ako sa mga taong pa-victim, 'yung sila na mga ang may kasalanan tapos aakting na sila pa ang kawawa. Ayoko sa mga taong masyadong nagse-self-pity. Ikaw, anong kinaiinisan mo o kinakagalit?"

"Madami. Kapag sobrang makulit na si Shin, minsan kapag may hindi dumating na delivery ng stocks on time sa resto at mga taong nananakit." May diin pa talaga 'yung huling salita niya.

Pansin kong lampas kalahati na rin ang nainom niya, ang bilis niyang uminom na para bang may kakompetensya pa siya.

"Uubusin mo talaga 'yan?" Turo ko sa bote ng wine.

"Ayaw mo naman kasi kaya ako na lang ang uubos. Maayos pa naman ako kaya huwag kang praning. Buhatin mo na lang ako kapag hindi na ako makatayo mamaya." Naiilang ako sa titig niya.

ChancesWhere stories live. Discover now