46

402 17 0
                                    

JUSTINE

Masaya ako dahil bumalik na ang sigla ni Samantha. Pumapasok na siya sa resto niya at paminsan-minsan ay sumasama sa akin kapag naja-jogging ako. Kapag naman sa usapang sex-life ay regular naman 'yon sa amin.  Sinabi niyang hindi pa muna siya ready magbuntis ulit kaya may binili siyang condom. Wala namang kaso sa akin 'yon at naiintindihan ko naman siya.

"Mommy, Dada, anong plano natin para sa darating na birthday ko?" Tanong ni Shin habang kumakain kami ng hapunan.

"Ano bang gusto mo? Gusto mo bang magkaroon ng party sa school mo or dito sa bahay tapos invite mo na lang sila or the usual trip?" Tugon ni Samantha.

"Siguro sa school na lang para libreng food sa mga classmates and teachers tapos mag-celebrate tayong lahat sa mismong birthday ko. Pagkatapos ng birthday ko ay pwede ba tayong mag-roadtrip, Dada?"

"Saan mo ba gusto?" Minsan lang itong mag-request kaya pagbibigyan ko na.

"Hindi ko alam pero gusto ko 'yung may dagat tapos mag-camping na lang tayo. Ayos lang ba sa'yo, mommy?" Tanong naman niya kay Samantha.

"Ayos na ayos. Gusto ko 'yung idea at gusto ko rin na magkaroon tayo ng quality time together." Masayang pahayag niya kaya muli kaming nagpatuloy sa pagkain.

Kung usapang quality time ay naglalaan naman kami ng oras para makapag-travel outside the country twice a year. Naglalaan talaga ako ng budget para sa travel kahit pa sabihing hatid kami ni Samantha sa gastos.

________

"Kumusta naman doon sa site?"

Katatapos ko lang mag-shower at agad siyang tinabihan sa kama.

"Gano'n pa rin naman. Nagalit nanaman ako kanina dahil late nagsabi 'yung supplier na made-delay ang ilang supplies." Tugon ko at kinuha ang hawak niyang suklay para suklayin ang buhok niya.

"Gusto mo ba i-massage kita?"

"Hindi na, let's just watch some movie." Suggest ko saka kinuha ang remote sa tabi niya.

Nagpalagay na siya ng TV dito sa room niya dahil madalas kaming manood at minsan tinatamad na siyang bumalik dito sa kwarto kaya para mas convenient ay bumili siya ng isa pang TV dito.

"Anong gusto mong panoorin?" Wala akong gustong panoorin ngayon kaya papanoorin ko na lang kung ano ang gusto niya.

"Horror."

"You don't like horror movies, love. Sabi mo nakaka-stress manood ng horror movies kasi it's either magsisisigaw ka dahil sa takot or dahil tanga 'yung mga bida." Taas kilay na saad ko sa kanya kaya natawa siya at hinampas ako ng unan.

"Huwag na tayong manood. Tanggalin mo 'yang damit mo tapos dumapa ka na para i-massage na lang kita." Utos niya saka pinatay 'yung TV. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nang nakadapa na ako ay agad siyang umupo sa likod ko.

"Kung hindi tayo nagkakilala, ano sa tingin mo buhay mo ngayon at nasaan ka?" Tanong ko.

"Gano'n pa rin, single at busy sa resto at kay Shin. Ikaw?"

"Kung hindi tayo nagkakilala ay baka may family na ako or in a relationship with someone tapos nasa States ako." Honest at sincere na sagot ko.

"Bakit mo naman nasabi?" Follow up question niya.

"Feeling ko kasi gagala lang ako sa States tapos may makikilala akong someone tapos magiging kami at magpapakasal na. Mabuti na lang nag-decide akong matulog sa cinema at kunin 'yung offer ni Amari. Naniniwala na tuloy ako sa destiny-destiny na sinasabi nila."

"Nawirdohan nga ako pagkakita sa'yo dahil naisipan mong matulog sa cinema tapos pambata pa 'yung napili mong movie."

"Tinitignan mo pala ako noon. Crush mo na ba ako that time?" Aasarin ko na lang siya ngayong gabi.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon