3

591 35 0
                                    


JUSTINE

Tinapos ko na ang pag-e-exercise bago muling pumasok sa loob para makapaghanda dahil may darating akong bisita mamaya. Inaya ko kasi sina Jasper at Amari na magbakasyon dito sa farm kahit one week lang noong pumunta ako sa kanila. Nag-abiso sila na ngayon sila darating at nagsabi rin na may kasama rin silang friend. Ayos lang naman sa akin kasi hindi problema ang tutulugan nila kung sakali.

Naalala ko nanaman 'yung makulit na batang nakilala ko. Shin pala ang pangalan niya at sobrang hyper niya na bata at mahilig sa kangaroo. Ang cute raw kasi nila at tumatalon-talon pa sila. Ang daldal niya pero kapag nagkwe-kwento laging kasama ang mommy niya, halatang mommy's girl. I really had fun with her kaya nga may picture kaming dalawa at may videos siya sa akin na siya rin naman ang kumuha sa sarili niya.

I really didn't expect na magkikita ulit kami pagkatapos ng mga pangyayari sa mall. Nagpunta lang ako sa syudad para i-check 'yung binili kong lupa at binisita ang kapatid ko. Dapat imi-meet ko si Jasper sa mall that day pero nagkaroon siya ng emergency at nandoon na ako bago niya sinabi. Nakakabagot maglibot kaya naisipan kong matulog sa sinehan at bigla na lang akong nagising dahil naramdaman kong may kumalabit sa akin. Pagkatanggal ko sa headset ay panay mommy lang ang binabanggit niya at pinagtitinginan na kami ng ibang manonood. Sinubukan ko naman siyang patahanin kaso mas lumala lang hanggang sa binigay ko 'yung susi ko. May mga cute na keychains kasi 'yun at glow in the dark kaya siguro nagustuhan niya. Bigla-bigla rin siyang sumampa sa akin kaya hinayaan ko na lang.

Pagpunta ko sa kusina ay nakita kong may nakahandang pagkain sa mesa at busy pa rin sa pagluluto si Mae. Siya ang tagaluto namin at ahead ako sa kanya ng ilang taon. Nasa early 20's pa lang siya at 4th year college na sa kursong HRM habang ako naman ay turning 29 na sa darating na July which is ilang buwan na lang.

"Mukhang naparami ata ang hinanda mo Mae. Hindi naman isang batalyon ng bisita ang darating." Sabi ko nang makita ang iba't-ibang putahe na nasa mesa. Mukhang nag-enjoy nanaman siya sa pagluluto.

"Sabi niyo po kasi maghanda ako ng pagkain. Hindi niyo nasabi kung gaano kadami. Last na rin itong pork chop." May point nga naman siya.

"It's fine. Tawagin ko na lang sina Manong Bong para sabay-sabay tayong kumain mamaya." Sina Manong Bong ang tagapangalaga ng mga tanim dito sa farm, katulong ang anak niyang si Kiko na nagpapakain naman sa mga isda. Kasama rin nila si Mang Jose pero umuwi muna sa probinsya para makapiling ang pamilya niya.

Nagpagawa ako ng bahay na matutuluyan nila rito sa farm kaso nasa may bandang dulo pa 'yon kaya kailangan sumakay sa golf cart. Mas malapit kasi 'yon sa fishpond para hindi na sila mapagod sa pagpunta o paglalakad kapag may magpapakain ng isda at para na rin sa privacy nila.

15 years na mula noong nabili ni Mama at Papa ang lupain na ito. Plain lang ito noon hanggang sa tinaniman namin ng mangga, rambutan at citrus. Habang maliliit pa sila nagtanim din si Mama ng mga gulay at nag-alaga kami ng mga manok. Sobrang hands-on sila pagdating sa pamamalakad noon dito hanggang sa naging successful naman dahil napalawak nila 'yung bahay at meron na rin kaming truck para mga delivery. Nasa Australia sila ngayon dahil doon nagpapagaling si Papa at si Mama ang nagbabantay. Lagi ko naman silang kinukumusta at binibisita ko rin sila minsan.

"Dito po ba kakain o sa labas?"

"Sa labas na lang para presko. Hintayin mo ako para matulungan kita sa paglilipat ng mga pagkain o tawagin mo si Esther para tulungan ka." Si Esther naman ang tagalinis naman dito sa bahay dahil masyado akong busy para panatilihing malinis dito sa loob.

Walang problema sa kanila dahil mababait naman sila at masisipag mag-aral. Mga scholars din sila at minsan nagbibigay ako ng extra para sa allowance nila dahil deserve naman nila 'yon. Siguro nagkakasundo kami dahil magkakalapit lang naman ang edad namin 'tsaka lagi nila akong natatalo sa larong Chess. Marami rin akong natututunan sa kanila, mostly mga slang word, mga trending na kanta o sayaw at minsan chismis. Isa pa sobrang mahilig sila sa mga korean music at telenovela.

ChancesWhere stories live. Discover now