41

354 21 0
                                    

SAMANTHA

I'm so mad right now. Today is my birthday but someone just sent me a disgusting gift. It's a video— it's the sex video to be specific. The sender was from a dummy account but I think that Marco was the one who sent it.

"Love, kanina ka pa nakatingin d'yan sa phone. Anong meron d'yan?" Curious na sabi ni Justine at lumapit para tignan ito.

"Akin na muna 'yang phone mo at puntahan mo muna ang mga bisita mo. Let me handle this." Mahinahon na turan niya pagkakita sa phone ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko pero kinakabahan ako kasi akala ko burado na lahat ng kopya. Hindi ko alam kung ano ang plano ng taong 'yon at sinend sa akin 'yon pero ipakukulong ko talaga siya kapag nalaman ko kung sino. Kung si Marco man 'yon o isa sa mga kaibigan niya ay maghanda-handa na sila dahil hindi ako tumatanggap ng awa.

"Birthday mo tapos lukot 'yang mukha mo, ganyan ba talaga kapag matanda na?" Patutsada ng buntis naming kaibigan at pinapapak na ang lechon.

"Kung matanda ako ay ibig sabihin no'n na matanda ka na rin dahil magka-edad lang tayo." Balik ko sa kanya at pinuntahan 'yung mga bisita para bumati.

Kami-kami lang naman, sina mom at dad, si Jaime na kapatid ni Justine, mga kaibigan ko, si Bruce at si Louis. Siya 'yung madalas kasama ni Jaime. Present ang mag-ex na Amari at Jasper pero wala namang ilangan sa pagitan nila pero hindi sila gaanong nag-uusap. Present din ang ilang pinsan ko.

"Happy Birthday pero bakit nga parang may bumabagabag sa'yo." Usisa naman ng jowa niyang si Bruce. Medyo close na kami ni Bruce at hindi na rin siya gaanong naiilang sa amin.

"Kaya mo bang mag-trace ng IP address?" Programmer naman siya kaya sa tingin ko ay marunong siya sa mga ganitong bagay o baka may kakilala siya. Pwede naman akong pumunta sa NBI para magreport pero masyadong ma-trabaho 'yon.

"S'ympre, sisiw na sisiw lang sa akin 'yan. May ipapa-hunting ka ba?" Agad na sambit kaya umiling ako.

"I'll tell you guys later. Enjoy lang kayo sa pagkain, puntahan ko lang 'yung iba." Turan ko saka dumiretso sa kinaroroonan ni Jaime at Shin.

Close na talaga silang dalawa dahil paminsan-minsan ay nagkikita sila kapag sa resto kumakain si Jaime. Ngayon naman ay nawiwili na itong anak ko sa mga isda kaya magkasama silang nagse-set-up ngayon ng tank. Nadagdagan na ang alaga ni Shin na isda kaya kahit sa kwarto ko ay may aquarium dahil ayon sa kanya ay para may magbantay daw sa akin.

"Mommy! Come, look at this."

"I can see, baby. Here, I brought you guys food. Kumain muna kayo bago niyo ulit gawin 'yan. Sure ka ba Jaime na ayaw mo ng talent fee?" Direktang tanong ko bago nilapag ang pagkain para sa kanilang dalawa.

"Sure po, sa kanya na lang po ako maniningil kung kailangan ko na ng datong." Pabirong sabi niya at tinuro ang kapatid niya.

"Hmmm. Anyway, ang ganda ng gawa mo. Gusto mo ba i-recommend kita sa mga kakilala ko? S'ympre may bayad ka na." Offer ko dahil maganda naman talaga ang mga gawa niya.

"Talaga po? Sige, payag po ako pero weekends lang ako available. Ise-send ko na lang po sa'yo 'yung mga iba kong gawa kung sakaling maghanap ka sila ng mga gawa ko. Thank you ate." Nahihiya pang saad niya pero naka-ngiti siya. Pakiramdaman ko nga para ko na siyang nakababatang kapatid. Naging close kami dahil siya minsan ang nagbabantay kay Shin kapag may date kami ng kapatid niya at sa akin siya tumatawag kapag hinahanap niya si Justine.

"You're welcome and no worries about your schedule. Sasabihin ko naman na student ka at weekend ka lang available. Sige na, maiwan ko na kayong dalawa."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon